Xian Gaza: Sa GMA ka lang makakakita ng isang artista na may issue pero hindi kilala

Xian Gaza: Sa GMA ka lang makakakita ng isang artista na may issue pero hindi kilala

Therese Arceo |December 21,2023
facebook
share this

Xian Gaza: Sa GMA ka lang makakakita ng isang artista na may issue pero hindi kilala

Therese Arceo - December 21, 2023 - 11:38 AM

Xian Gaza: Sa GMA ka lang makakakita ng isang artista na may issue pero hindi kilala

ALIW na aliw ang mga netizens sa naging hirit ng social media personality na si Xian Gaza ukol sa kasalukuyang controversial artists ng GMA Network.

Matatandaang kahapon ay laman ng mga balita ang “Magandang Dilag” stars na sina Rob Gomez, Bianca Manalo, at Herlene Budol matapos mag-leak ang diumano’y screenshots ng kanilang pag-uusap.

Base sa screenshots ay tila patagong nagkikita sina Rob at Bianca samantalang may “kainan” namang nagaganap sa pagitan ng aktor at ni Herlene.

Kaya naman relate na relate ang madlang pipol sa pahayag ni Xian ukol sa mga artistang usap-usapan ngayon.

“Sa GMA ka lang makakakita ng isang artista na may issue pero hindi mo kilala,” saad niya sa kanyang Facebook post nitong Miyerkules, December 20.

Baka Bet Mo: Patutsada ni Xian Gaza kay Melai Cantiveros: ‘Ang pagiging joker nilalagay sa lugar’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Dagdag pa ni Xian, “*nabasa mo yung issue* IKAW: “OMG! Sino siya??”

Chika pa niya, hindi pa man daw sikat ang mga ito ay nalaos na bigla.

Hirit pa ni Xian, “Kung hindi sikat yung mga babae eh walang magiging interesado sa tsismis na yan kaya huwag niyo na sanang tawaging artista kung lima lang naman yung nakakakilala sa hype na yan.”

Nag-sorry rin ang social media personality dahil nakapagsalita na naman daw siya ng masama laban sa kapwa.

Dagdag chika pa ni Xian, “Kinain ba o kumain naguluhan na ko.”

Ito ay tumutukoy sa diumano’y “kain” convo nina Herlene at Rob.

Kahapon ay nag-react na ang beauty queen-actress sa pgkakadawit ng kanyang pangalan sa screenshot ng leaked conversation raw nila ni Rob.

Baka Bet Mo: Xian Gaza sa ina ni Andrea Brillantes: Para mo pong siniraan yung sarili mo sa publiko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Showbiz nga talaga! Pag dedicated ka sa trabaho. gagawan ka ng issue!” sey ni Herlene.

Dagdag pa niya, “Dati [nasa] #wowowin gumawa ng issue na buntis daw ako. Ngayon naman sa #MagandangDilag may issue uli na buntis ako uli? Ano susunod? Sa #BlackRider mabubuntis ako uli?”

Samantala, ayon sa latest Facebook post ni Rob ay hanggang ngayon, hindi pa rin niya hawak ang kanyang cellphone.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending