Xian Gaza may patutsada kay Melai Cantiveros

Patutsada ni Xian Gaza kay Melai Cantiveros: ‘Ang pagiging joker nilalagay sa lugar’

Pauline del Rosario - December 16, 2023 - 12:29 PM

Patutsada ni Xian Gaza kay Melai Cantiveros: ‘Ang pagiging joker nilalagay sa lugar’

Xian Gaza, Melai Cantiveros

Ako lang ata yung hindi natawa kay Melai.”

‘Yan ang patutsada ng tinaguriang Pambansang Marites na si Xian Gaza matapos mag-trending ang kwelang videos ng comedienne-actress na si Melai Cantiveros sa naganap na Asia Artist Awards (AAA) 2023.

Kalakip pa ng kanyang sinabi sa social media post ay ang katagang, “Tumatanda na talaga ako.”

Magugunitang naging laughtrip sa maraming netizens kung paano sinagot ni Melai ang panayam sa kanya ng host na si Jang Won-young ng K-Pop girl group na IVE, pati na rin ang kanyang acceptance speech matapos tanggapin ang “AAA Best Actor.”

Sa hiwalay na Facebook post, ibinandera ni Xian ang kanyang opinyon kung bakit sa tingin niya ay hindi siya natawa sa komedyana.

“Ang humor at pagiging joker ay mayroong limitasyon at inilalagay sa lugar,” sey niya sa post.

Paliwanag niya, “Kapag kasi nasobrahan sa maling venue ay magmumukhang t*nga tapos iisipin ng ibang lahi ang mga artistang Pinoy ay aanga-anga at walang ka-class class.”

Baka Bet Mo: Daniel Padilla nakatanggap ng ‘boo’, tinawag pang ‘cheater’ sa AAA 2023

Dagdag pa ni Xian base sa comment section, “Nanalo ka ng award eh. Tinitingala ka nila. Pagkakataon na sana yun para ma-flex sa mga banyaga kung gaano tayo kakengkoy.”

Ngunit tila nagkaroon ng correction ang vlogger sa word na “kakengkoy” dahil may pahabol itong “*kalupit.”

Depensa pa ng self-proclaimed pambansang marites, “Hindi po ako hater. Hindi din po ako basher. Ineexpress ko lang po yung alam kong tama para ‘yung mga artistang naka-follow sa akin ay magkaroon ng idea next time.”

“Naglabas lang ng opinyon basher na agad,” ani pa niya.

Para sa mga hindi masyadong aware, ang AAA ay isa sa mga biggest entertainment ceremonies sa South Korea kung saan kinikilala ang mga mang-aawit at aktor na may malaking impact sa music, film at television.

Para sa iba, ang awarding event ay katumbas ng pinagsamang Grammys at Oscars na tampok din ang iba’t-ibang performances.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-host ang Pilipinas ng nabanggit na event in collaboration with StarNews, TONZ Entertainment, and PULP Live World.

Bukod kay Melai, nabigyan din ng award ang Pinoy pop sensation na SB19, South Korea-based Filipino boy band na Hori7on, OPM band na Ben&Ben, pati na rin sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending