Herlene Budol pumalag sa viral screenshots:Bakit ako nakaladkad?

Herlene Budol pumalag sa viral screenshots: Bakit ako nakaladkad?

Therese Arceo |December 20,2023
facebook
share this

Herlene Budol pumalag sa viral screenshots: Bakit ako nakaladkad?

Therese Arceo - December 20, 2023 - 08:29 PM

Herlene Budol pumalag sa viral screenshots: Bakit ako nakaladkad?

BINASAG na ng beauty queen-actress na si Herlene Budol ang kanyang katahimikan ukol isyung kinasasangkutan ngayon kasama si Rob Gomez.

Usap-usapan kasi ngayon ang dalaga matapos mag-leak sa mismong Instagram account ng Kapuso actor ang diumano’y palitan nila ng mensahe.

Nitong araw lang nang bumulaga sa madlang pipol ang screenshots ng kanilang usapan kung saan may makikitang pregnancy test sa huli at naka-tag pa si Herlene sa mismong post.

Maliban pa rito ay makikita rin sa screenshot na tila hindi lang basta magkaibigan ang dalawa at nagkikita rin paminsan-minsn.

Isa rin sa nagpagulat sa mga netizens ang “kainan” ng dalawa kung saan mas gutom umano si Herlene.

Base sa flow ng kanilang usapan ay tila may nangyayari sa pagitan nilang dalawa.

Baka Bet Mo: Rob Gomez trending sa social media, may relasyon nga ba kay Herlene Budol?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

May mababasa pa na sinabihan ni Rob si Herlene na huwag muna itong tatawag sa kanya dahil pupuntahan niya ang anak nito kay Shaila Rebortera na si Amelia.

May parte rin sa usapan na diumano’y sinabi ni Herlene na alam niya ang kanyang pinasok at alam niya ang kanyang limit.

Herlene Budol reacts

Ngunit base sa kanyang pahayag ngayong gabi sa X (dating Twitter) ay nagtataka ito kung bakit nadadamay ang kanyang pangalan sa isyu.

“Bakit ako nakaladkad?” saad ni Herlene.

Aniya, palagi na lang daw siyang ginagawan ng issue.

“Showbiz nga talaga! Pag dedicated ka sa trabaho. gagawan ka ng issue!” sey ni Herlene.

Dagdag pa niya, “Dati [nasa] #wowowin gumawa ng issue na buntis daw ako. Ngayon naman sa #MagandangDilag may issue uli na buntis ako uli? Ano susunod? Sa #BlackRider mabubuntis ako uli?”

Marami naman sa mga netizens ang nagkomento sa tweet ni Herlene.

“Teh OO o Hindi lang. Maingay ang lata pag guilty,” sabi ng isang netizen.

Baka Bet Mo: Bianca Manalo, Rob Gomez pasikretong nagkikita, may ‘something’ nga ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Comment naman ng isa, “Payo lang bilang Kapuso, Herlene. Please keep quiet muna. Consult your friends lalo na your agency. Mas mapapahamak ka sa ginagawa mo. Concern kami sa’yo. Sayang.”

“May resibo acclaaaa. Ig mismo ni Rob naipost,” sey naman ng isa.

Samantala, ayon sa latest post ni Rob ay wala pa rin sa kanya ang kanyang cellphone.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending