Xian Gaza 'wrong move' raw ang 'statement' ni Bianca Manalo

Xian Gaza sinabing ‘wrong move’ ang pa-official statement ni Bianca Manalo

Therese Arceo |December 23,2023
facebook
share this

Xian Gaza sinabing ‘wrong move’ ang pa-official statement ni Bianca Manalo

Therese Arceo - December 23, 2023 - 02:05 PM

Xian Gaza sinabing 'wrong move' ang pa-official statement ni Bianca Manalo

Xian Gaza at Bianca Manalo

WRONG move para sa social media personality na si Xian Gaza ang paglalabas ng statement ni Bianca Manalo ukol sa kinasasangkutang kontrobersya.

Sa kanyang Facebook post nitong Biyernes, December 22, sinabi niyang tila kumpirmasyon ang naging pahayag ng beauty queen-turned-actress na totoo ang mga kumakalat na screenshots.

“Kinumpirma niya na legit talaga yung screenshots. Yan ang pinakamaling ginawa niya, maglabas ng official statement,” saad ni Xian.

Pagpapatuloy pa niya, “Ibig sabihin legit din yung screenshots with Budol. Kompirmd ang chesmes mga mars!”

Baka Bet Mo:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Makikita rin sa comment section ang pagbibigay mungkahi ni Xian tungkol sa “best move” sana sa isyung kinasasangkutan.

“Nataranta ang PR team ni Bianca. Hindi na nakapag-isip ng maayos. Sablay strategy.

“Silence is the key. Palabasin niyo na edited ang screenshots at hindi siya yun. That’s the best move sana,” sey ni Xian.

Matatandaang nitong linggo lang nang biglang mag-trending sina Bianca Manalo, Rob Gomez at Herlene Budol matapos kumalat sa social media ang mga screenshots ng kanilang palitan ng mensahe.

Baka Bet Mo: Xian Gaza sa ina ni Andrea Brillantes: Para mo pong siniraan yung sarili mo sa publiko

Matapos ngang pumutok ang chika ay naglabas rin ng komento ang social media personality ukol sa biglang pag-trending ng Kapuso stars.

“Sa GMA ka lang makakakita ng isang artista na may issue pero hindi mo kilala,” saad ni Xian sa kanyang Facebook post nitong Miyerkules, December 20.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, nilinaw naman ni Bianca na kaya nila planong magkita noong oras na ‘yun ay para kunin ang regalong ibibigay sana ni Rob.

Plano kasi niya na kunin ito bago ang kanyang flight patungong Japan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending