Rabiya looking forward sa muling pagsali ni Kisses sa MUPH; MJ humanga sa bait ng dalaga | Bandera

Rabiya looking forward sa muling pagsali ni Kisses sa MUPH; MJ humanga sa bait ng dalaga

Therese Arceo |October 02,2021
facebook
share this

Rabiya looking forward sa muling pagsali ni Kisses sa MUPH; MJ humanga sa bait ng dalaga

Therese Arceo - October 02, 2021 - 06:33 PM

HANGGANG ngayon ay marami pa rin ang nanghihinayang sa dating PBB housemate at pambato ng Masbate na si Kisses Delavin nang hindi nito masungkit ang korona sa nagdaang Miss Universe Philippines 2021.

Hindi naman maikakaila kung gaano kalakas ang dalaga sa publiko dahil may malaking fan base na ito sa showbiz bago pa man ito sumalang sa naturang beauty pageant.

Sa katunayan ay napakalaki ng naging improvement niya nang sumali ito sa Miss Universe PH 2021 at talaga namang humataw rin sa mga nagdaang challenges ng patimpalak.

Humakot rin siya ng napakaraming awards ngunit nabigo na itong makamit ang korona nang nagtapos ang journey nito bilang parte ng Top 10 finalists.

Marami naman ang nagpaabot ng suporta at pagmamahal sa dalaga matapos ang coronation night.

Isa na nga rito si Miss Universe PH 2020 Rabiya Mateo.

“@kissesdelavin Remember that you did well tonight. Continue to be kind and I’m looking forward to see you join again. Ate Rab loves you.” saad nito sa kaniyang Instagram story kasama ang litrato nilang kuha backstage noong coronation night.

At hindi lang si Rabiya ang napahanga ng dalaga dahil pati si Miss Universe PH 2014 MJ Lastimosa ay nagbahagi ng kaniyang personal experience kasama ang dalaga.

Chika ni MJ, nagkaroon daw siya ng pagkakataon na makausap ang dalaga nang dumalaw ito sa kanilang kwarto matapos ang coronation night.

Dito nga raw niya nakita at naintindihan kung bakit napakarami ang nagmamahal at sumusuporta sa dalaga.

“Kisses visited our room last night and had a night cap chika while taking off our make up..till super late Smiling face with tear First time to meet her in person and this girl is a gem. Now I understood why she’s loved by many,” sey nito sa kaniyang tweet.

Naging usap-usapan nga ang tweet ni MJ dahil marami sa mga fans ni Kisses ang naka-appreciate sa mga sinabi ng beauty queen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nag-tweet rin ang host na si KC Montero ng mensahe kay Kisses at sinabing sana ay huwag mag-give up ang dalaga sa kaniyang pangarap.

Anyways, baka talagang hindi pa panahon ni Kisses na manalo pero isa lang ang sigurado, panalo ang dalaga sa suporta at pagmamahal mula sa mga kaibigan, magulang, kapwa kandidata, at syempre, ng mga fans.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending