Unang kaso ng mpox sa QC naitala, 15 contact ng pasyente binabantayan
NAITALA ng Quezon City ang kauna-unahang kaso ng mpox makalipas ang isang linggo nang iulat ng Department of Health (DOH) ang first case ng nasabing sakit this year.
Ang pasyente ay lalaki na nasa edad 37 at kasalukuyan itong naka-confine sa San Lazaro Hospital.
Ayon sa report, nagsimula itong magpakita ng sintomas noong August 16 at na-admit sa ospital pagkalipas ng anim na araw.
Sumailalim agad sa medical tests ang pasyente upang dalhin sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at ang naging resulta ay positibo sa mpox.
Base sa initial investigation report ng Epidemiology and Surveillance Division (QCESD) ng Quezon City Health Department’s (QCHD), ang 37-year-old ay may local travel history.
Baka Bet Mo: Maricar Reyes muntik ‘mabulag’ dahil sa contact lenses, anyare?
“We are closely watching our resident’s medical condition. So far we have identified all of his fifteen contacts and they are also being monitored”, sey ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Mula nang ma-detect ang first mpox case ngayong taon, ang lokal na pamahalaan ay nag-activate na ng sariling prevention, control at response protocols.
Bukod diyan, ang lahat ng healthcare workers ng siyudad ay nagkaroon na rin ng orientation pagdating sa reporting at handling ng mga kaso ng mpox.
Nanawagan din si Belmonte sa mga may-ari ng establisyimento na makipagtulungan at sumunod sa mga pagsisikap ng contact tracing ng lungsod.
Ito ay upang pigilan ang pagkalat ng virus at matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng QCitizens.
Upang mapadali at mapalakas ang pagtugon ng lungsod sa mpox, itinatag din ng pamahalaang lungsod ang QC Task Force MPOX sa pamamagitan ng Executive Order 14 series of 2024 na binubuo ng iba’t ibang departamento at opisina ng pamahalaang lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.