Matet nakiusap para sa mga PWD na hindi nakikita ang disability: 'Ang isyu ko lang...respeto naman' | Bandera

Matet nakiusap para sa mga PWD na hindi nakikita ang disability: ‘Ang isyu ko lang…respeto naman’

Ervin Santiago - September 20, 2023 - 07:36 AM

Matet nakiusap para sa mga PWD na hindi nakikita ang disability: 'Ang isyu ko lang...respeto naman'

Matet de Leon

NAKACHIKAHAN namin ang kontrobersyal na aktres ngayon na si  Matet de Leon tungkol sa naging karanasan niya bilang isang PWD o persons with disabilities.

Ipinaliwanag niya kung ano ba talaga ang nangyari nang paalisin siya ng isang babae nang pumila siya sa PWD lane ng isang supermarket kamakailan.

Ayon kay Matet, hiyang-hiya raw tala siya nang sitahin at palipatin ng isang shopper dahil sa PWD lane daw siya pumila kasabay ng kilay ng mga nakasaksi sa incidente.

Ang feeling ng aktres, inakala ng mga taong nasa loob ng grocery store na nagpanggap lang siyang PWD, para mapabilis ang pagbabayad niya sa cashier.

“Pumila ako, may dala akong toothbrush, harina, at sabi ng babae, hinawakan ako sa braso, na mukhang may kaya, at sabi sa akin, ‘Hi, isang pila lang tayo’.

“Sabi ko, ‘PWD po ako’. Doon pa lang, naramdaman ko na ang kahihiyan, pinagtinginan ako ng mga tao. Nahiya ako talaga.

“Medyo issue ko lang is respeto naman. Hindi naman porke hindi nila nakikita ang disability…” ang pahayag ni Matet sa BANDERA nang makausap namin pagkatapos ng special screening at mediacon ng bagong Kapuso series na “Love Before Sunrise”.

Kasama si Matet sa nasabing serye na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Dennis Trillo.

Pagpapatuloy pa ng anak ni Superstar Nora Aunor, “A lot of people don’t know kung ano ang pinagdadaanan ng iba. Pag depress kasi ang isang tao, sobrang hirap maligo, mahirap kumain, baka pati pagtayo para mag-grocery, hirap na hirap sila.

“Hindi kasi nila alam ‘yun. Baka may pinagdadanan ang tao,” sey pa ni Matet.

Nauna nang sinabi ni Matet na isa siyang bipolar, at totoong meron siyang “disability” na na-diagnose ng doktor. Meron din siyang ID, at PWD booklet.

Sey pa ni Matet, “Pero minsan kasi, may iba rin kasi na pumipila na hindi naman PWD, o hindi rin buntis.

“Pero ako nilabas ko ang ID, pati booklet ko. Pero, maririnig mo pa rin kasi ‘yung iba na nagtatanong, bakit nandiyan siya? So, nilabas ko talaga.

Baka Bet Mo: Matet sawang-sawa na sa pag-intindi kay Ate Guy: ‘Hindi ko na siya kakausapin ulit, ginawa ko na ang lahat’

“Nakakahiya sa mga tao, sa sarili ko. Bakit kailangan umabot sa ganu’n?

“Eh, may mga mentall illness, may problema sa tenga, malabo mga mata, hindi nila nakikita, kailangan ba naming magsabit, o isabit sa leeg ang mga ID at booklet namin?” lahad pa ni Matet.

Samantala, tuwang-tuwa naman si Matet nang mapasama sa “Love Before Sunrise” nina Bea at Dennis at bongga rin talaga ang kanyang karakter dito kaya excited na siyang mapanood ito ng mga Kapuso.

Ang “Love Before Sunrise” ay idinirek ni Mark Sicat dela Cruz at Carlo Cannu at mapapanood sa Viu Philippines at GMA Network sa darating na October.

Matet de Leon isa nang PWD, nakaranas ng ‘pagtataboy’ sa priority lane: ‘Hiyang hiya ako, pati sa sarili ko’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Karla Estrada kinastigo ang nanglait sa isang PWD, netizens umalma: Wag kang magmalinis!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending