Matet de Leon isa nang PWD, nakaranas ng ‘pagtataboy’ sa priority lane: ‘Hiyang hiya ako, pati sa sarili ko’
NALUNGKOT kami sa post ng aktres na si Matet de Leon dahil nakapila siya sa Persons with Disabilities o PWD sa isang grocery at tinitiningan siya ng hindi niya mawari kung bakit hanggang sa kalabitin siya at pinalilipat sa ibang lane.
Inakala kasi ng mga nakasabayan ni Matet ay sinadya niyang pumila sa PWD lane para prioridad siya.
Kuwento ni Matet sa kanyang Instagram account kamakailan, “I have bipolar disorder. I’m a pwd. Hindi halata? Kaya pala pinag titinginan ako kanina sa isang supermarket.”
“Kinalabit pa ako ng isang babaeng yayamanin at pinapalipat ng lane. Hiyang hiya ako. Pati sa sarili ko,” sey pa niya.
Patuloy niya, “Pumila kasi ako sa pwd lane. Wala akong kasunod na senior o may visible disability kaya nag-decide ako na doon na pumila. Kung saan ako dapat.”
Kaya kami nalungkot ay dahil marami rin kaming nakitang ganitong senaryo at totoo nga na kakalabitin ka para lumipat sa ibang lane at sasabihan ka pang para lang iyon sa senior citizens at pwd.
Pero marami rin kaming nakita na nakapila sa senior citizens lane na hindi naman kabilang dito at ang laging dahilan, “pasensya po nagmamadali lang.”
Baka Bet Mo: Ali Khatibi hindi raw nagsusustento sa ibang anak, gumagamit ng ‘fake’ PWD ID para makadiscount ayon kay Xian Gaza
Ang nakakainis ay tino-tolerate ito ng cashier kaya minsan hindi mo mapigilang hindi magsalita dahil abusado rin ang iba.
Going back to Matet ay inisip daw kasi ng ibang tao na wala siyang disabilities dahil nga normal siyang tingnan at hindi katulad ng iba na halatang may sakit.
Sa pagpapatuloy ng aktres, “ang hirap ng kalagayan naming may mental health issues na hindi nakikita ng iba. Sanay sila na ang may mental illness, nagtutulo ng laway o nagsasalita mag isa.
“Sana sa lahat ng makakabasa nito, mag ingat. Guys, hindi madali ang malagay sa sitwasyon namin. Sana huwag nang pabigatin pa ng iba.
“Sana huwag nang paabutin pa sa kailangan na naming isabit sa leeg namin mga ID namin. Kaloka (emoji sad face),” Ani niya.
Mensahe pa niya, “At sa mga kagaya ko, na kaya naman magtiis ng sandali, paunahin ang matatanda at ‘yung talagang makikita ninyong hirap nang pumila. Yun lang.”
Relate much kami kay Matet.
Related Chika:
Karla Estrada kinastigo ang nanglait sa isang PWD, netizens umalma: Wag kang magmalinis!
Motorcycle riders na dadaan sa EDSA bike lanes pagmumultahin ng P1,000
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.