Maxene may cryptic quote tungkol sa pagpapatawad sa magulang

Maxene may cryptic quote tungkol sa pagpapatawad sa magulang, para nga ba kay Francis M?

Pauline del Rosario |November 16,2023
facebook
share this

Maxene may cryptic quote tungkol sa pagpapatawad sa magulang, para nga ba kay Francis M?

Pauline del Rosario - November 16, 2023 - 05:51 PM

Maxene may cryptic quote tungkol sa pagpapatawad sa magulang, para nga ba kay Francis M?

PHOTO: Instagram/@maxenemagalona

NAINTRIGA ang maraming netizens sa recent social media post ng aktres na si Maxene Magalona.

Ito ‘yung ibinandera niyang cryptic quote na tungkol sa pagpapatawad sa magulang sa kabila ng kontrobersyal na paglalantad ni Abegail Rait, ang secret lover umano ng yumao niyang ama na si Francis Magalona.

Pati na rin ang rebelasyon na nagkaroon sila ng anak na si Gaile na papasok na rin sa showbiz very soon.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ni-repost ni Maxene ang photo quote mula sa Instagram user na si @indigocait na sinasabing, “Forgive your parents. They were learning too.”

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes may patutsada sa mga taong ‘banal na aso, santong kabayo’; may konek pa rin ba kay Ricci Rivero?

Maxene may cryptic quote tungkol sa pagpapatawad sa magulang, para nga ba kay Francis M?

PHOTO: Instagram Story/@maxenemagalona

Kabilang din sa post ang mga maiikling kwento na isinulat ng poet-playwright na si Nikkita Gil na tungkol sa pagkikita ng younger version ng ina at ama, at pag-unawa sa mga pangyayari na naging dahilan ng kanilang kalagayan.

Hindi ‘yan ang unang beses na tila may patama si Maxene.

Dahil noong nakaraang buwan lamang ay naging usap-usapan din sa socmed ang ilang IG post niya na mga nagmula sa American political activist at singer-songwriter na si Laura Dawn.

“Shout out to everyone who’s learning how to transmute scared rage into acts of kindness,” ang mababasa sa nawala nang IG story ng aktres.

Isa pang makahulugang quote mula naman kay Mahatma Gandhi ang ipinost ni Maxene sa IG kalakip ang litrato niya na kuha sa isang beach sa La Union. 

Aniya sa caption, “Peace is its own reward.”

Matatandaang nakilala ang dating flight attendant nang magbenta ito ng Francis M memorabilia kay Boss Toyo ng “Pinoy Pawnstars” at marami nga ang nagulat nang ilahad niya ang kwento kung paano niya nakuha ang naturang jersey ng yumaong master rapper.

Dito inilahad ni Abegail na naging magkarelasyon sila ni Kiko bago ito namatay at nagkaroon sila ng anak at ito ay si Gaile Francesca.

Simula noon ay naging laman na ng balita ang dating flight attendant maging ang kanyang anak.

Marami sa mga netizens pa nga ang tumawag sa kanya ng “mistress,” “homewrecker,” “kabit,” at marami pang iba.

Ngunit ‘yan ay binigyang-linaw ni Abegail sa kanyang official statement kung saan inihayag niya na ‘di umano’y hiwalay na ang Master Rapper sa asawa nitong si Pia Arroyo-Magalona nang maging sila.

Humingi rin siya ng tawad sa lahat ng mga taong nasaktan sa kanilang paglabas sa publiko lalo na sa pamilya ni Francis M.

Related Chika:

Aljur Abrenica inatake ng ‘golden bashers’ matapos mag-post ng cryptic message kasabay ng birthday ni AJ Raval

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alden umaming may pinagdaraanan sa personal life; cryptic post sa Instagram walang konek sa ‘Eat Bulaga’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending