Matet sa chikang laos na siya: Paano malalaos di naman sikat?

Matet de Leon sa chikang laos na siya: Paano malalaos di naman sikat?

Therese Arceo - August 30, 2024 - 08:29 PM

Matet de Leon sa chikang laos na siya: Paano malalaos di naman sikat?

DIRETSAHANG sinagot ng aktres na si Matet de Leon ang isang netizen na nagsabing laos na siya at sinabing paano ito mangyayari kung hindi naman daw siya sikat.

Nangyari ang pagtawag na “laos” sa aktres nang lumabas ang edited video niya patungkol umano sa isyu sa pagitan ng Kapuso stars na sina Kyline Alcantara at Carmina Villaroel.

Sabi pa ng netizen na naniwala sa “edited” video ay maganda si Carmina habang laos na si Matet.

Kaya naman hindi na rin napigilan ng aktres na sagutin ang isyu.

Baka Bet Mo: Matet de Leon isa nang PWD, nakaranas ng ‘pagtataboy’ sa priority lane: ‘Hiyang hiya ako, pati sa sarili ko’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ito ah, hindi ko pinapansin, okay? Hindi ko pinapansin yang mga isyu kay Ate Mina, kay Kyline Alcantara, nadamay pa si Maui Taylor. Alam niyo, pupwede ba, wag kayong mangdamay sa mga isyu isyu ninyo. Yung mga eme eme niyong ganyan, kasi ako, nananahimik ako,” panimula ni Matet.

Hindi rin napigilan ng aktres na pangalanan ang basher na nagsabing laos na siya.

“Sasabihin pa akong laos nitong si Rossana Dimayuga, pano malalaos eh di naman sikat? O, hindi nalalaos ang hindi naging sikat. I-fact check niyo muna, pinost ko yan, sinabi ko yan phrase na yan, 2019. Yang phrase na yan is for a relative na hindi naman kagandahan, akala mo kung sinong mamintas. Pero syempre, naka-move on na tayo dun,” sabi pa ni Matet.

Binalaan pa niya ang netizen na huwag siyang pagtripan.

“Wag niyo kong pag-trip-an, kasi kapag ako nang-trip, hindi rin maganda,” sey ppa ni Matet.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang nagsimula siya bilang child star noong 1980s.

Ang pinakaunang pelikula ni Matet ay ipinalabas noong 1986 na pinamagatang “I Love You, Ma, I Love You, Pa.”

Ngunit talagang napamangha niya ang mga manonood sa kanyang pag-arte sa pelikulang “Bunsong Kerubin” na naging dahilan ng pagkakanominado niya bilang FAMAS Best Child Actress noong 1988.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending