Kyline Alcantara nakakandong kay Kobe Paras habang hinaharana

Kyline Alcantara nakakandong kay Kobe Paras habang kinakantahan

Therese Arceo - August 27, 2024 - 04:33 PM

Kyline Alcantara nakakandong kay Kobe Paras habang kinakantahan

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang video ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara habang nakakandong ito sa basketbolistang si Kobe Paras habang nagbi-videoke.

Ibinahagi ng isang netizen sa TikTok ang naturang video na kuha mula sa kanilang karaoke session.

Maririnig sa video ang pagkanta ni Kobe ng “Hinahanap-hanap Kita” by Rivermaya samantalang nakatingin naman sa kanya si Kyline.

Nagkatawanan pa nga ang dalawa at tila enjoy na enjoy ang kanilang moment together.

Baka Bet Mo: Kobe Paras na-‘friendzone’ nga ba si Kyline Alcantara: ‘Girlfriend agad?’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Hindi naman matukoy kung saan o kung kailan nga ba nakunan ang video ngunit isa lang ang masasabi namin, talagang super happy nina Kyline at Kobe together.

May parte pa sa naturang video kung saan hinalikan ng basketbolista ang aktres sa balikat.

Samantala, sa naging panayam ni Kyline sa “24 Oras” noong August 16, 2024 na nakatakda silang lumipad papuntang China para sa kanilang upcoming project together.

Super thankful nga ang dalaga na pumayag si Kobe sa naturang proyekto kahit na wala pa silang inilalabas  na detalye tungkol rito.

“We’re ready to explore a lot of things in life and I’m thankful that he said yes kasi I’m excited po to work with him,” saad ni Kyline.

Excited rin ang dalaga sa magiging bonding nila ni Kobe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Definitely the food trip kasi yun po talaga yung bonding namin,” dagdag pa ni Kyline.

Bagamat wala pang pag-amin na nagaganap kung ano na nga ba ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa ay aminado ang dalaga na hindi niya ma-describe kung ano ang kanyang tunay na nararamdaman kay Kobe.

“It’s a different feeling po, so I don’t know the exact words to describe it. Lumalabas na lang siya through actions, through our auras, I guess, I cannot find the exact words,” sey ni Kyline.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending