Kobe Paras na-‘friendzone’ nga ba si Kyline Alcantara: ‘GF agad?’

Kobe Paras na-‘friendzone’ nga ba si Kyline Alcantara: ‘Girlfriend agad?’

Pauline del Rosario - July 22, 2024 - 01:57 PM

Kobe Paras na-‘friendzone’ nga ba si Kyline Alcantara: ‘Girlfriend agad?’

PHOTO: Instagram/@megaentph

NAGSALITA na ang basketball player na si Kobe Paras patungkol sa real score nila ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara.

Ito ay matapos tanungin ng GMA News sa nagdaang GMA Gala 2024 kung saan parehong present ang rumored couple.

Pag-amin ni Kobe sa kanilang relasyon, “We are great friends.”

Pagbubunyag pa niya, hindi pa niya inaalok na maging dyowa si Kyline.

Sey niya sa panayam, “Bakit girlfriend agad? Nagtanong na ba ako?”

Baka Bet Mo: Kyline hindi pa ready magka-lovelife: ‘Dapat mas kilalanin ko pa sarili ko’

“We are just great friends right now, really close friends,” giit pa niya kasabay ng pagkumpirma na dumalo si Kyline sa opening ng kanyang bagong tattoo studio.

Noong Mayo lamang nang mag-umpisa ang chikang may “something” sa dalawa matapos mapansin ng ilang netizens na nag-dinner silang magkasama sa isang susyal na restaurant sa Makati.

Kasunod niyan ay ‘yung pag-comment at pag-repost ng binatang cager sa recent photo na in-upload ng young actress sa IG.

Naging viral din sila matapos maispatan na magkahawak ng kamay habang naglalakad papunta sa parking lot ng BGC.

At ang huli nga na nag-trending ay ‘yung spotted sila together sa first birthday party ni Ryohei, ang anak ng fellow celebrity na si Keiko Nakajima.

Kung maaalala sa isang interview, nauna nang tinanong si Kyline patungkol sa kumakalat na chika sa kanila ni Kobe.

Ang sagot niya, “Oh! I don’t know, actually.”

Ani pa niya, “Yes, I am single. Single life is great! Totoo ‘yung sinasabi nila na masarap talaga maging single.”

Si Kobe ay dating nakarelasyon si Erika Poturnak, ang anak ng batikang aktres na si Ina Raymundo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Kyline naman ay na-link sa dating onscreen partner na si Mavy Legaspi na nakilala sa MavLine love team.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending