Kyline Alcantara, Kobe Paras magdyowa na raw: May nagwagi na!

Kyline, Kobe magdyowa na raw: Tapos na ang pila, may nagwagi na!

Ervin Santiago - May 31, 2024 - 08:51 AM

Kyline, Kobe magdyowa na raw: Tapos na ang pila, may nagwagi na!

Kobe Paras, Kyline Alcantara

MALAKAS ang feeling ng mga netizens na magdyowa na nga ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara at ang basketball player na si Kobe Paras.

Pagkatapos kasing mabalita na magkasama ang dalawa sa isang dinner date nitong nakaraang linggo, ay muli silang naging hot topic ng mga Marites sa social media.

Kahapon, usap-usapan na naman sina Kyline at Kobe nang mag-comment at i-repost ng binatang cager sa kanyang Instagram Stories ang latest photo na in-upload ni Kyline sa Instagram.

Makikita si Kyline na nakasuot ng gray romper short habang nakaupo sa isa ring gray couch.

Sa comments section, nag-iwan si Kobe ng smiling face with heart-eyes emoji. Bukod dito, ni-repost din ng anak ni Benjie Paras ang litrato ng Kapuso star sa kanyang IG Stories with white heart emoji.

Baka Bet Mo: Kyline Alcantara ka-date si Kobe Paras sa sosyal na resto, true kaya?

Kasunod nito, sunud-sunod nga ang naging comments ng netizens at halos lahat ay nagsabing mukhang may “something” na talaga sa pagitan ng dalawang celebrities.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon mula sa mga Instagram users.

“Wala na, minyday na wala na may nag wagi na.” Kinikilig namang saad ng isa, “omg totoo ang chismis hahahahaha.”

“Iba deeen. Sino-soft launch ka na mhie ni Kobe.”

“Confirmed. Tapos na ang pila.”

“Sana all may pa-soft launch sa relasyon. Sana nga sila na bagay sila.”

Last May 19 nang maging usap-usapan ang tungkol sa tunay na estado ng relasyon nina Kyline at Kobe matapos ngang pagpiyestahan ang mga litratong ipinost nila sa kani-kanilang Instagram page.

Ito yung kuha ng aktres habang kumakain sa isang restaurant sa Makati. Makikita sa isang photo ang mga chef sa nasabing establishment. Smiling face with hearts emoji ang tanging caption ni Kyline.

Halos ganito rin ang interior ng restaurant na ipinost ni Kobe sa IG noong araw ding iyon kung saan makikita ang mga nakatayong chef sa kitchen area habang may dalawang wine glass at flowers sa table.

Kaya ang sabi ng mga netizens, baka nga magdyowa na ang dalawa ngayon at in fairness, marami ang boto sa dalawa at sana raw ay natagpuan na nila sa isa’t isa ang forever after ng kanilang recent failed relationship.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huling nakarelasyon ni Kyline ang kapwa Kapuso star na si Mavy Legaspi habang ang last na dyowa naman ni Kobe ay si Erika Rae Poturnak na anak ni Ina Raymundo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending