Kyline Alcantara ka-date si Kobe Paras sa sosyal na resto

Kyline Alcantara ka-date si Kobe Paras sa sosyal na resto, true kaya?

Pauline del Rosario - May 20, 2024 - 10:44 AM

Kyline Alcantara ka-date si Kobe Paras sa sosyal na resto, true kaya?

Kyline Alcantara, Kobe Paras

FRESH na fresh sa social media! May kumakalat na “dating rumors” sa pagitan ng aktres na si Kyline Alcantara at basketball player na si Kobe Paras.

Ito ay matapos mapansin ng ilang netizens na tila magkasama ang dalawa sa iisang lugar dahil mukhang pareho ang POV ng kanilang ipinost recently.

Sa Instagram Story, ibinandera ni Kobe na nasa isang susyal na restaurant siya at makikita ang mga nakatayong chefs sa kitchen area.

Baka Bet Mo: Darren umaming 1 year naging dyowa si Kyline, bakit naghiwalay?

Kyline Alcantara ka-date si Kobe Paras sa sosyal na resto, true kaya?

PHOTO: Instagram Story/@_kokoparas

Sa IG account naman ni Kyline, kapansin-pansin na may kapareho siyang picture kagaya sa basketball player pero ang kaibahan lang ay naka-zoom in ng kaunti ‘yung sa kanya.

May litrato rin na ibinibida niya ang mga pagkain sa lamesa na tila magkasama sila ng basketball player sa iisang table.

Kyline Alcantara ka-date si Kobe Paras sa sosyal na resto, true kaya?

PHOTO: Instagram/@itskylinealcantara

Sa comment section, may iilang netizens ang nagtanong sa aktres kung kasama nga ba niya si Kobe sa resto.

Heto ang ilan sa mga nakita namin:

Komento ng isang IG user, “Hala are you with Kobe?”

Sagot ng isa, “I think so, pareho sila nagstory ng nasa Helm eh [calm face emoji]”

May fan pang nanukso, “Wow mukhang may nagpapa-inspire ngayon kay Ky.”

Tugon naman ng isang netizen, “Yesss feeling ko hahaha [red heart emoji]”

Kung matatandaan, si Kobe ay dating nakarelasyon si Erika Poturnak, ang anak ng batikang aktres na si Ina Raymundo.

Si Kyline naman ay na-link sa dating onscreen partner na si Mavy Legaspi na nakilala sa MavLine love team.

Dahil sa kanilang closeness, maraming fans ang naniniwala na may “something” sila, pero nabalot ito ng kontrobersya matapos kumalat ang chikang naghiwalay na ang dalawa dahil hindi bet ng ina ni Mavy na si Carmina Villaroel ang aktres.

As of this writing, wala pang pahayag sina Kyline at Kobe tungkol sa kumakalat na chismis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas naman ang BANDERA sa kanilang mga pahayag.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending