Kyline in-unfollow na rin sa IG sina Mavy, Carmina at Zoren

Kyline sunud-sunod na in-unfollow sa IG sina Mavy, Carmina at Zoren!

Ervin Santiago - May 22, 2024 - 12:55 AM

Kyline sunud-sunod na in-unfollow sa IG sina Mavy, Carmina at Zoren!

Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Mavy at Cassy Legaspi at Kyline Alcantara

SUNUD-SUNOD na in-unfollow ng Kapuso actress-singer na si Kyline Alcantara sa Instagram ang pamilya ng ex-partner niyang si Mavy Legaspi.

Siyempre, makakaligtas ba yan sa mga mapanuring mata ng mga netizens, lalo na ang mga sumusubaybay sa showbiz career at personal life ni Kyline.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes in-unfollow na rin si Kathryn Bernardo sa IG, gantihan na yarn!?

Bukod nga sa wala na sa listahan ng mga pina-follow ng dalaga sa kanyang IG account ang dati niyang dyowang si Mavy, in-unfollow na rin niya ang mga magulang ng binata na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel)


Nang i-check nga namin ang IG page ni Kyline ay hindi na lumalabas sa following list ng Kapuso star sina Mavy, Carmina, at Zoren.

Pero in fairness, habang sinusulat namin ang artikulong ito ay naka-follow pa rin sina Mavy, Carmina at Zoren sa official Instagram page ni Kyline.

Kung hindi kami nagkakamali, bago ito ay nauna nang nag-unfollow sa isa’t isa sa IG si Kyline at ang twin sister ni Mavy na si Cassy Legaspi.

Alam naman ng lahat na nagsimula bilang magkaibigan sina Mavy at Kyline hanggang sa ma-develop sa isa’t isa hanggang sa naging magdyowa.

Pero noong November, 2023, nagulat na lang ang kanilang fans dahil sa balitang naghiwalay na sila pero walang ibinigay na dahilan ang ex-lovers tungkol sa rason ng breakup.

Baka Bet Mo: Kathryn in-unfollow si Daniel sa IG, damay pati sina Liza, Julia at Gillian

Mas uminit pa ang isyu ng paghihiwalay ng dalawang Kapuso stars nang tila magparinigan sa social media si Kyline at si Carmina. Ito ang dahilan ng pagtawag ng mga netizens ng “mama’s boy” kay Mavy.

Ngunit sa isang panayam, sinabi ng binata na mas ginusto niyang manahimik na lang para hindi na lumaki ang isyu.

“I mean, kung hindi naman kailangan, it’s not needed kasi. Kaya ayun, it’s not just I decided to stay quiet. It’s just there’s nothing to talk about.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kyline Alcantara (@itskylinealcantara)


“Kaya, you just don’t feed anything. You don’t feed any information na hindi naman kailangan. Basta kami, peaceful kami, and behind closed doors we have great relationships with a lot of people. Kaya, okay lang,” aniya.

Nitong nagdaang araw naman ay natsismis na tila nag-date si Kyline at ang basketball player na si Kobe Paras.

Marami kasi ang nakapansin na halos pareho ang ipinost na litrato ng dalawa sa kani-kanilang Instagram page kaya feeling ng netizens ay may something special nang namamagitan sa dalawa.

Nagbahagi si Kyline ng pictures sa IG kasama na ang kuha niya sa mga chef na nasa loob ng sa isang restaurant sa Makati City at ilang inorder niyang desserts.

Mapapansin na ang interior design ng nasabing restaurant ay kapareho sa ipinost ni Kobe sa Instagram Stories noong araw ding yun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa post ng anak ni Benjie Paras makikita ang nga nakatayong chefs sa kitchen area at ang dalawang wine glass at bulaklak na nasa table.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending