Kobe Paras, Erika Poturnak in-unfollow ang isa't isa sa Instagram; hiwalay na agad? | Bandera

Kobe Paras, Erika Poturnak in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram; hiwalay na agad?

Reggee Bonoan |September 26,2022
facebook
share this

Kobe Paras, Erika Poturnak in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram; hiwalay na agad?

Reggee Bonoan - September 26, 2022 - 08:52 PM

Erika Poturnak at Kobe Paras hiwalay na?

Erika Poturnak at Kobe Paras

PAGKALIPAS ng tatlong buwang pag-iibigan nina Kobe Paras at Erika Poturnak ay heto’t mukhang sa hiwalayan din mauuwi ang kanilang relasyon?

Pareho na nilang in-unfollow sa Instagram ang isa’t isa kaya ang paniwala ng mga netizens ay nag-break na ang magkasintahan.

Ngayong araw September 26, binura na ni Kobe ang lahat ng posts niya sa Instagram at hindi na nga niya pina-follow si Erika.

Deleted na rin sa IG account ni Erika ang mga litrato nila ni Kobe at wala na rin ang account ng basketball player sa mga pina-follow niya.

Hunyo ngayong taon nagsimulang magpo-post sa kani-kanilang social media accounts ang mga anak nina Benjie Paras at Ina Raymundo ng kanilang mga intimate moments.

Maraming netizens ang nagsabing ang bilis umaksyon ni Kobe dahil ang alam ng lahat ay nagdi-date pa lang sila ng dalaga ni Ina peeo iyon pala ay may relasyon na sila.

May mga kuhang magkayakap na bagong gising, magkayakap na nasa speed boat, naglalakad sa tabing-dagat na kuha sa Bali, Indonesia at may litrato pa na hinahalikan ni Kobe ang tuhod ni Erika habang nasa swimming pool sila.

View this post on Instagram

A post shared by Rikki 🦎 (@erikarae.p)


Ang saya-saya ng dalawang bagets at parang sila lang ang nilalang sa mundo dahil sa kanilang ka-sweetan.

Sabi nga, lumaki kasi sa Amerika si Kobe at si Erika naman ay foreigner ang ama kaya open sila sa mga ganitong bagay-bagay.

Hinangaan din naman sila ng ilang netizens dahil hindi nila itinatago ang kanilang mga nararamdaman unlike sa ibang mga anak ng celebrity na puro tago, tapos mabubuking din pala.

Anyway, saktong ikatlong buwan ngayong Setyembre ay heto at in-unfollow na nina Kobe at Erika ang isa’t isa. Hudyat na nga ba ito na hiwalay na sila o baka naman nagkatampuhan lang?

Hmmmm, ano bang mayroon ngayong buwan ng Setyembre at maraming naghihiwalay?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA para sa panig nina Kobe at Erika o ng mga taong malapit sa dalawa.

Kobe Paras, Erika Poturnak nagbakasyon sa ibang bansa: From Bali with love

Erika Poturnak nagpabawas ng dibdib: Best decision ever!

Erika Poturnak nagpabawas ng dibdib: Best decision ever!

Anak ni Ina Raymundo na si Erika Rae Poturnak spotted kasama ni Kobe Paras

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending