Kyline, Kobe ‘spotted’ ulit, magkasama sa birthday party

Kyline Alcantara, Kobe Paras ‘spotted’ ulit, magkasama sa birthday party

Pauline del Rosario - July 13, 2024 - 12:15 PM

Kyline Alcantara, Kobe Paras ‘spotted’ ulit, magkasama sa birthday party

Kyline Alcantara, Kobe Paras

SPOTTED nanaman together ang rumored couple na sina Kyline Alcantara at Kobe Paras.

Sa pagkakataong ito, sa first birthday party ni Ryohei, ang anak ng fellow celebrity na si Keiko Nakajima.

Sa Instagram, makikita ang ilang picture ng nasabing pagdiriwang at present ang dalawa sa event, pati ang celebrity couple na sina Yassi Pressman at James Reid.

Caption pa nga sa post, “Feeling incredibly grateful for the love and generosity showered on our Ryohei.”

Baka Bet Mo: Kyline hindi pa ready magka-lovelife: ‘Dapat mas kilalanin ko pa sarili ko’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Keiko Nakajima (@keikofoxx)

Agaw-pansin din ang komento ng basketball player na sinabing: “I love you guys [red heart emojis],” habang ni-like naman ng aktres ang mga litrato.

Kung matatandaan, noong Mayo lamang nang mag-umpisa ang chikang may “something” kina Kyline at Kobe matapos mapansin ng ilang netizens na magkasama umano silang nag-dinner sa isang susyal na restaurant sa Makati.

Kasunod niyan, naging usap-usapan ang pag-comment at pag-repost ng binatang cager sa recent photo na in-upload ni Kyline sa IG.

Noong nakaraang buwan, nag-viral din ang dalawa matapos maispatan na magkahawak ng kamay habang naglalakad papunta sa parking lot ng BGC.

Sa kabila ng mga ito, until now ay wala pang kumpirmasyon ang dalawa kung ano nga ba ang real score nila sa isa’t-isa.

Maaalala sa isang interview, tinanong si Kyline sa kanyang reaksyon patungkol sa kumakalat na chika sa kanila ni Kobe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang sagot niya, “Oh! I don’t know, actually.” 

Ani pa niya, “Yes, I am single. Single life is great! Totoo ‘yung sinasabi nila na masarap talaga maging single.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending