Kyline Alcantara hindi pa ba ready magka-lovelife?

Kyline hindi pa ready magka-lovelife: ‘Dapat mas kilalanin ko pa sarili ko’

Pauline del Rosario - June 07, 2024 - 10:47 AM

Kyline hindi pa ready magka-lovelife: 'Dapat mas kilalanin ko pa sarili ko'

PHOTO: Instagram/@itskylinealcantara

HINDI pa handa sa bagong pag-ibig ang young actress na si Kyline Alcantara.

Ito ang naging paglilinaw niya sa matapos ma-interview ng “24 Oras” kamakailan lang sa kabila ng kumakalat na chikang may “something” sila ng basketball player na si Kobe Paras.

“Hindi ka pa ready ma-inlove?” tanong sa kanya ng entertainment reporter na si Lhar Santiago.

“Hindi pa po,” sagot ni Kyline at biglang natawa.

Paliwanag niya, “Because feeling ko po dapat ko pang mas kilalanin ang sarili ko.”

Baka Bet Mo: Kyline, Kobe magdyowa na raw: Tapos na ang pila, may nagwagi na!

Nang tanungin naman siya kung may mga nagpaparamdama na ba sa kanyang mga manliligaw?

“Meron po ba?” pabiro niyang tugon.

Dagdag pa ng aktres, “Bahala na lang po muna si God.”

Samantala, wala pang pahayag si Kobe patungkol sa pagkaka-link niya kay Kyline.

Magugunitang nag-umpisa ang “dating rumors” ng dalawa nang mapansin ng ilang netizens na magkasama silang nag-dinner sa isang susyal na restaurant sa Makati.

Kasunod niyan, naging usap-usapan ang pag-comment at pag-repost ng binatang cager sa kanyang Instagram Stories ang recent photo na in-upload ni Kyline sa IG.

Sa comments section, nag-iwan si Kobe ng smiling face with heart-eyes emoji. 

Bukod dito, ni-repost din ng anak ni Benjie Paras ang litrato ng Kapuso star sa kanyang IG Stories with white heart emoji.

Kung matatandaan, si Kobe ay dating nakarelasyon si Erika Poturnak, ang anak ng batikang aktres na si Ina Raymundo.

Si Kyline naman ay na-link sa dating onscreen partner na si Mavy Legaspi na nakilala sa MavLine love team.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dahil sa kanilang closeness, maraming fans ang naniniwala na may “something” sila, pero nabalot ito ng kontrobersya matapos kumalat ang chikang naghiwalay na ang dalawa dahil hindi bet ng ina ni Mavy na si Carmina Villaroel ang dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending