Kyline mas matapang na sa 2024: Hindi po ako magpapaapak, lalaban ako!
AMINADO ang Kapuso actress at TV host na si Kyline Alcantara na nakararanas pa rin siya ngayon ng kalungkutan at anxiety.
Ngunit hindi raw siya nagpapatalo sa mga kanegahan at challenges sa kanyang buhay at patuloy pa ring lumalaban.
Napakalaking tulong daw talaga ng kanyang support system sa kanyang mga pinagdaraanan, lalo na ng kanyang pamilya at mga tunay na kaibigan.
View this post on Instagram
Bago matapos ang 2023 ay nasuong dim sa kontrobersya si Kyline, ito ay nang mapabalitang naghiwalay na sila ng kanyang boyfriend at ka-loveteam na si Mavy Legaspi.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang dalawang Kapuso stars about the issue kaya wala pang kumpirmasyon kung ano talaga ang nangyari sa kanilang relasyon.
Baka Bet Mo: Mavy Legaspi nagpakilig sa birthday ni Kyline Alcantara: You are a blessing from God to me
May alam kami sa naging kaganapan sa alleged breakup nina Mavy at Kyline pero hindi muna namin ibabandera rito. Hayaan na lang nating manggaling sa kanila ang pagsisiwalat ng katotohanan.
Sa panayam ng veteran showbiz reporter na si Tito Lhar Santiago kay Kyline, sinabi ng aktres na ayaw na muna niyang mag-dwell sa mga negatibong emosyon.
View this post on Instagram
Ang mahalaga raw ay ang mga taong totoong nagmamahal sa kanya, “They’re my source of strength nowadays, especially for the past few days.
Baka Bet Mo: Cassy Legaspi, Kyline Alcantara in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram, anyare?
“And not just my family but, my brothers, my friends, like yung mga tao po talaga na nakikilala kung sino po ako,” aniya pa.
Sa tanong kay Kyline na, “What color is your Christmas this year?”, pula at puti ang kanyang isinagot.
“White because I just want peaceful, kapayapaan sa buhay. Red kasi hindi po ako magpapaapak. Ako po’y lalaban pero hindi po sa isang maling paraan,” ang makahulugang sabi ng dalaga.
Pangako pa ni Kyline sa sarili, mas magiging matapang at palaban siya ngayong 2024.
Samantala, abangers na ang mga fans sa upcoming series niya sa GMA, ang Pinoy version ng hit 2009 Korean series na “Shining Inheritance” kung saan makakasama niya sina Kate Valdez, Paul Salas, Michael Sager, at Miss Coney Reyes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.