Barbie may 3 panlaban sa anxiety; Jeric maraming nadiskubre sa sarili dahil sa pandemya | Bandera

Barbie may 3 panlaban sa anxiety; Jeric maraming nadiskubre sa sarili dahil sa pandemya

Ervin Santiago - October 02, 2020 - 12:03 PM

SERYOSO ang naging chikahan ng Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto sa kanilang latest collaboration vlog.

Napagdesisyunan ng magdyowa na  muli silang gumawa ng samgyup mukbang para sa YouTube channel ng dalaga.

Sa isang bahagi ng video, napag-usapan nga nina Barbie at Jak ang tungkol sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic sa bansa pati na ang mga natutunan nila sa ipinatutupad na community quarantine.

Sabi ni Barbie, mula nang maranasan niya ang lockdown, mas na-appreciate niya ang kanyang pamilya at ang pagkakaroon ng sapat na panahon para makapagmuni-muni tungkol sa kanyang personal na buhay.

“Siguro ang realization ko na lang habang tumatagal ‘tong quarantine, ‘Take it one day at a time.’

“Kasi nothing is definite lalo na ngayon. ‘Yung nag-GCQ na tayo, akala natin tuloy-tuloy na, bumalik tayo sa MECQ, ‘yung ganoon? Kumbaga hindi ka makapagplano,  kasi kahit ang buong mundo, hindi alam.

“I take it one day at a time kasi every day may bagong announcements, may pagbabago either in a good way or a bad way. So doon ko tinatantsa ‘yung mind set ko for the day,” lahad ng dalaga.

Ilan sa mga naging panlaban niya sa kalungkutan noong kasagsagan ng lockdown at hindi pa pwedeng lumabas ay ang pagwo-workout, panonood ng classic TV series na “Friends” at “journaling.”

* * *

Sa nakaraang fan meet ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales sa online show na “Hangout” ibinahagi niya ang mga bagay na nadiskubre sa sarili ngayong quarantine.

Kuwento ni Jeric, mas nagkaroon siya ng oras para pagbutihin ang sarili, “Kung dati wala tayong time sa mga bagay-bagay, ngayon, sobra-sobra naman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ngayong nasa bahay lang tayo, mas marami tayong madidiskubre. Ako, nag-aral ako ng music, na-enhance ko pa. Na-recharge ako, na-refresh ako,” pahayag ng binata.

Samantala, nakaabang na ang mga fans sa pagbabalik-TV ng hit Afternoon Prime Drama series na “Magkaaagaw,” kung saan kasama ni Jeric sina Klea Pineda, Sunshine Dizon at Sheryl Cruz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending