Kobe Paras, Erika Poturnak nagbakasyon sa ibang bansa: From Bali with love | Bandera

Kobe Paras, Erika Poturnak nagbakasyon sa ibang bansa: From Bali with love

Therese Arceo |June 29,2022
facebook
share this

Kobe Paras, Erika Poturnak nagbakasyon sa ibang bansa: From Bali with love

Therese Arceo - June 29, 2022 - 02:08 PM

Kobe Paras, Erika Poturnak nagbakasyon sa ibang bansa: From Bali with love
MAS uminit pa ang usap-usapan ukol kina Kobe Paras at Erika Poturnak matapos muling kumalat ang mga bagong larawan nilang magkasama.

Kasalukuyan kasing nasa Bali, Indonesia ang dalawa na nagbabakasyon kasama ang kanilang mga kaibigan.

Si Kobe ay anak nina Benjie Paras at Jackie Forster habang si Erika naman ay anak ni Ina Raymundo.

Nitong Martes, June 28 ay nagbahagi ang basketbolista ng kanyang mga larawan habang nasa bakasayon kung saan spotted na kasama niya ang dalaga.

“From Bali with love,” caption ni Kobe kung saan makikita na sweet na sweet sila ni Erika at halata ang “closeness” na namamagitan sa kanila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kobe (@_kokoparas)

Mukhang mas nagiging bukas na ang dalawa sa publiko at pawang pag-amin na lamang mula sa dalawa ang hinihintay ng madlang pipol para sa kumpirmasyon ng mga kumakalat na balita ukol sa kanilang relasyon.

Maski kasi sa Instagram stories ni Kobe ay may mga clues ukol sa pagiging espesyal nila sa isa’t isa dahil ibinahagi nito ang larawan kung saan nakayakap siya kay Erika habang nasa pool sila.

Mayroon ring ibinahagi ang binata na dalawang magkaholding hands na hinihinala ng mga netizens na ang si Erika ang kasama niya rito.

Unang na-chika ang dalawa matapos itong mamamataan na magkasama sa isang beach trip noong June 15.

Hindi naman sila solo sa naturang beach trip dahil base sa mga in-upload ni Erika ay bukod kay Kobe, may mga kasama silang kaibigan.

Bukas naman ang Bandera para sa panig nina Erika at Kobe ukol sa real score sa pagitan nilang dalawa.

Related Chika:
Anak ni Ina Raymundo na si Erika Rae Poturnak spotted kasama ni Kobe Paras

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kobe Paras umaming inatake ng depresyon; Andre may bwelta sa haters

Daniel pabor kay Kobe Paras: Sana alisin na ang bilang ng likes at followers sa socmed

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending