Kyline Alcantara close na close na sa pamilya ni Kobe Paras

Kyline Alcantara close na close na sa pamilya ni Kobe Paras, ‘apaka-sweet’

Pauline del Rosario - July 28, 2024 - 10:48 AM

Kyline Alcantara close na close na sa pamilya ni Kobe Paras, 'apaka-sweet'

Kyline Alcantara, and Kobe, Andre, Benjie Paras

MUKHANG kasundo na ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara ang pamilya ng basketball player na si Kobe Paras.

Ito ay matapos kumalat ang TikTok video na makikitang naka-bonding ni Kyline ang ama ni Kobe na si Benjie at ang kapatid nito na si Andre, kasama ang non-showbiz girlfriend na si Honey Escarez.

Sa viral video na ibinandera ng TikTok user na si @poppie016.16, mapapanood na parang bumisita sa isang opisina ang apat na kung saan ay pinagkaguluhan sila ng ilang empleyado upang makapagpa-picture.

Nahagip din sa isang clip na sweet sina Kyline at Kobe na inaayos pa ng una ang buhok ng huli.

Baka Bet Mo: Kobe Paras na-‘friendzone’ nga ba si Kyline Alcantara: ‘Girlfriend agad?’

@poppie016.16 @kyline alcantara #benjieparas #kobeparas🔥 #chookstogo ♬ Smile In Your Heart – Ace Andres

May video rin na magka-holding hands ang dalawa habang papalabas na sila ng establisimyento kasama sina Benjie, Andre at Honey.

@poppie016.16 @kyline alcantara #kobeparas🔥❤️🥰🥰#chookstogo ♬ message in a bottle – favsoundds

Magugunita noong Mayo lamang nang biglang sumiklab sa social media ang chikang may “something” sa realsyon nina Kyline at Kobe. 

Ilang beses silang spotted together, kabilang na riyan ‘yung nag-date umano sa isang susyal na restaurant sa Taguig, ‘yung magkasama sila sa birthday party, ‘yung present sa opening ng tattoo shop ng basketball player ang aktres, at ang huli ay ‘yung magkasama sila sa GMA Gala 2024.

At speaking of GMA Gala, nagulat si Kobe nang usisain siya ng ilang entertainment press kung girlfriend na ba niya si Kyline.

Ayon sa kanya “great friends” sila ngayon ng young actress. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagbubunyag ng athlete, hindi pa niya inaalok na maging dyowa si Kyline. 

Sey niya sa panayam, “Bakit girlfriend agad? Nagtanong na ba ako?”

Gayunpaman, inihayag ni Benjie sa isang pahayag sa Philippine Daily Inquirer na suportado niya ang dalawa.

“Boto ako whoever he’s with. That’s his life, not mine. Whatever works for them and makes them happy, then I’m happy too,” sambit niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending