Kobe Paras nag-deact sa IG, fans kinabahan, anyare?

Kobe Paras nag-deact sa IG, fans kinabahan, anyare?

Therese Arceo - August 16, 2024 - 11:12 PM

Kobe Paras nag-deact sa IG, fans kinabahan, anyare?

MARAMI sa mga netizens ang tila nabahala dahil hindi na nila matagpuan ang Instagram account ng basketball player na si Kobe Paras.

“Sorry, this page isn’t available,” ito ang lumalabas kapag hinahanap ang username ng binata sa naturang social media platform.

Kaya naman kasunod ng paghahanap kay Kobe ay ang pagpunta ng mga ito sa account ng rumored dyowa nitong si Kyline Alcantara.

Sa mga posts ng Kapuso star ay naglipana ang mga tanong patungkol sa kung ano ang nangyari sa basketbolista.

Baka Bet Mo: Kyline Alcantara ka-date si Kobe Paras sa sosyal na resto, true kaya?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Deactivated ata ig ni kobe. hindi natin alam kung bakit. pero pls, tigilan niyo na kasi kakamention sa kaniya sa mga ig posts ni kyline. pinepressure nyo nang mag-like, comment, story, or what eh. while its true that their chemistry is something and it’s making u all happy, let’s stop making it looks like they are responsible to keep that ‘kilig’ para sa inyo. kaya nga lowkey kasi hindi yan loveteam na gagawa ng teleserye or series. LET THEM ENJOY WHAT THEY HAVE GENUINELY,” mahabang talak ng isang fan.

Marami naman ang sumang-ayon sa naturang fan at ang ilan ay humirit rin na respetuhin ang kanilang privacy.

Matatandaang lately ay nagiging maingay ang pangalan ni Kyline at ni Kobe na hinhinalang may espesyal na relasyon.

Bago pa man ang magkasamang pag-attend nila sa GMA Gala, naispatan na ang dalawang magka-holding hands habang papasok sa isang establishment noong July 2024.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bagamat wala pang direktang pag-amin sa real score ay madalas na rin silang makitang malapit at mayroon pang kasama si Kyline sa paglabas ng pamilya ni Kobe.

Sa

Sa ngayon ay nakabalik nang muli sa Instagram ang binata pero wala itong inilalabas na pahayag kung ano ang dahilan ng kanyang pagde-deactivate.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending