ChiKapalaran (April 21-27, 2025): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo

BACK to reality na naman tayo mga besh! The end na ang long weekend at tapos na ang paggunita sa Semana Santa. Sana’y nakapag-recharge na ang lahat at nakapagmuni-muni sa ating buhay.
Kung feeling bitin-bitinan pa rin sa bakasyon at ayaw pang mag-return-of-the-comeback sa school at work, read n’yo muna ang inyong ChiKapalaran para gabay n’yo this week.
Narito ang inyong nagbabalik na resident charotera reader na magbibigay-gabay sa iyong magulo pero super colorful na life.
ARIES (March 21-April 19)
Bakit sad na naman ang beshy ko? Iwasan na ang magpaka-feeling alone. It’s about time na unahin mo muna ang iyong self bago ang iba. Time to move on na rin sa naranasang pagkabigo.
Lucky Color: Yellow
Lucky Number: 9
Swerte Meter: 3 Stars
TAURUS (April 20-May 20)
Stressed ka na naman ba dahil sa pagiging breadwinner? Hindi na talaga kasya ang budget n’yo sa house? Try mong maghanap ng raket this week, parang lucky ngayon sa negosyo na may konek sa online selling.
Lucky Color: Gray
Lucky Number: 13
Swerte Meter: 4 Stars
GEMINI (May 21-June 20)
Oooooppsss! Huwag ka munang pumunta ng mall ngayong linggo dahil mauubos na naman sa pagsa-shopping ang ni-loan mo. Besh, pay ka muna ng kautangan para sa next sweldo, utang-free na ang beauty mo.
Lucky Color: Red
Lucky Number: 10
Swerte Meter: 3 Stars
CANCER (June 21-July 22)
Kaloka ka naman mars! Mukhang talagang kinarir mo na nang bonggang-bongga ang adbokasiya ng self-love?! Malapit ka nang maging delulu dahil sa sobrang pagmamahal mo sa sarili mo.
Hinay-hinay ka lang dahil walang taong nabubuhay para sa sarili lamang. Kaya check the label rin, mars, pag may time.
Lucky Color: dark blue
Lucky Number: 7
Swerte Meter: 2 Stars
LEO (July 23-August 22)
Ay! Mukhang maganda ang pasok ng linggong ito sa iyo, beshy! Mapupuri ka ng iyong boss sa work dahil sa kasipagan at dedikasyon mo. Pero ingat-ingat ka rin – mas okay kung babawasan ang pagiging pabida at pa-star.
Lucky Color: Green
Lucky Number: 30
Swerte Meter: 4 Stars
VIRGO (August 23-September 22)
Darating na ang sagot sa matagal mo nang hinihintay. Ihanda ang sarili sa matatanggap na balita na posibleng magpabago sa takbo ng iyong buhay. Basta ang magic word lang – FAITH!
Lucky Color: black
Lucky Number: 1
Swerte Meter: 4 Stars
LIBRA (September 23-October 22)
May mga kaibigan kang traydor kaya mag-ingat sa pagse-share ng personal details about your life. Be vigilant, pansinin mo ang mga kilos ng mga taong nakapaligid sa ‘yo at malalaman mo kung sino sa kanila ang totoo at fake.
Lucky Color: Beige
Lucky Number: 25
Swere Meter: 2 Stars
SCORPIO (October 23-November 21)
Beshy, may makikilala kang afam! Pero huwag ka munang sasama sa kanya kung saan-saan, ha! Knows mo na ang ibig kong sabihin. May tendency ka kasing grab kung grab agad! Atat na atat lang magkadyowa!? Mas makabubuting kilalanin mo muna si guy bago bumigay!
Lucky Color: bloody red
Lucky Number: 11
Swerte Meter: 4 Stars
SAGITTARIUS (November 22-December 21)
Go, go, go mo na yan! Sa tagal na ng inyong pinagsamahan, huwag nang mag-alinlangan. Itigil mo na ang kaartehan dahil universe na ang nagpaparamdam sa iyo.
Kung ano ang laman ng puso mo yun ang sundin mo. Ilaban mo na yan dahil baka pagsisihan mo sa huli kapag pinakawalan mo pa.
Lucky Color: Black
Lucky Number: 35
Swerte Meter: 5 Stars
CAPRICORN (December 22-January 19)
Uy, mars! Time to explore na! Lumabas ka na sa lungga mo at forget muna ang iyong comfort zone.
Magaling ka at madiskarte kaya kering-keri mong i-achieve ang matagalmo nang pinapangarap! Kung hindi ngayon, kailan pa!? Gulatin mo ang sarili mo!
Lucky Color: Pink
Lucky Number: 40
Swerte Meter: 4 Stars
AQUARIUS (January 20-February 18)
Abot-kamay mo na ang iyong pangarap, sabi nga ni Jillian Ward. Sa wakas may magbibigay na sa iyo ng bagong pag-asa mula sa hindi mo inaasahang tao. Basta, besh, don’t forget lang yung lahat ng taong tumulong sa yo nu’ng struggling ka pa lang dahil ang hindi paglingon sa pinanggalingan ang magpapabagsak din sa iyo. Hindi naman sa tinatakot ka, warning lang, besh.
Lucky Color: Gray
Lucky Number: 36
Swerte Meter: 5 Stars
PISCES (February 19-March 19)
Natalo ka man ngayon, asahan ang agad na pagbangon. May mga taong kusang lalapit sa yo para magbigay ng pag-asa at suporta. Basta maging masaya ka na lang sa success ng iba dahil hindi magtatagal ikaw naman ang babagyuhin ng blessings. Tiwala lang!
Lucky Color: Dark Orange
Lucky Number: 2
Swerte Meter: 4 Stars
Mga beshy at mga ka-BANDERA, always tandaan, ang mga nakasulat sa ChiKapalaran ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o dedmahin.
Mayroon tayong freewill, gamitin natin ito. Emz!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.