Ali Khatibi hindi raw nagsusustento sa ibang anak, gumagamit ng 'fake' PWD ID para makadiscount ayon kay Xian Gaza | Bandera

Ali Khatibi hindi raw nagsusustento sa ibang anak, gumagamit ng ‘fake’ PWD ID para makadiscount ayon kay Xian Gaza

Reggee Bonoan - April 29, 2023 - 05:14 PM

Ali Khatibi hindi raw nagsusustento sa ibang anak, gumagamit ng 'fake' PWD para makadiscount ayon kay Xian Gaza
ANO kayang reaksyon ng aktor na si Ali Khatibi na ama ng eight-year old daughter ni Cristine Reyes na si Amarah?

Pinost kasi ng “lalaking Marites” na si Xian Gaza sa kanyang Facebook account ang Person with Disability o PWD ID ni Ali para raw makakuha ng diskuwento.

Makikita sa naturang PWD ID na nakalagay ang larawan ng aktor at pagkakakilanlan na ini-release ng City Of Manila.

Ayon kay Gaza ay peke ang nasabing PWD ID. Kung titingnan naman namin ay mukhang legit naman ito dahil sa pagkakaalam namin ay hindi ka naman makakakuha ng ganitong PWD ID kung hindi ka dumaan sa medical check up.

Bukod sa sinasabing paggamit umano ni Ali ng PWD ID ay tinalakay din ni Gaza ang hindi pagbibigay ng sustento ng aktor sa dalawa umano niyang panganay pero sa anak nitong ang ina ay kilalang artista ay nagbibigay daw.

Anyway, narito ang kumpletong post ni Xian Gaza sa kanyang FB account.

“SINETCH ITEY NA ISANG LALAKING ARTISTA ANG MAY TATLONG PANGANAY PERO ANG DALAWA AY HINDI SINUSUSTENTUHAN MASKI PISO??

Baka Bet Mo: Cristine Reyes, Ali Khatibi magkasamang um-attend sa school event ng anak

“ANG NASABING ARTISTA AY MAY PANGGASTOS SA JOWA NGUNIT HINDI MAKAPAGBIGAY SA DALAWANG NAANAKAN!

“ANG IKALAWA NIYANG PANGANAY AY KANYANG SINUSUPORTAHAN DAHIL TAKOT SIYA SA NANAY NITO NA ISANG SIKAT NA ARTISTA!

“HETO PA MARS! KUMAPIT KA NA AT BAKA HINDI MO KAYANIN! READY KA NA? GAME! ANG NASABING AKTOR NA WALANG KWENTANG AMA AY GUMAGAMIT NG FAKE PWD ID UPANG MAKAKUHA NG DISCOUNTS SA MGA RESTAURANTS AND MALL ESTABLISHMENTS! AS IN! MYGAAAHD!

“THE DESIGN IS VERY SQUAMMY! NYEEEAAAAAM! NAKAKALOKA! ITAGO NATIN SA PANGALANG ALI KHATIBI! SINEEEEETCH ITEEEY??”

Dagdag pa nito sa comment section ng post niya ay, “Hindi ko kinaya yung PWD ID para makatipid.”

Samantala, may kasunod na post ulit si Xian ang PWD ID ni Ali na nakalagay ay ‘Hearing’ ang type of disability nito.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Ali Khatibi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Christine Reyes sa relasyon nila ni Ali Khatibi: We’re civil

True ba, Cristine ipinagdadamot daw ang anak kay Ali Khatibi?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending