SA wakas, nagsalita na rin si Cristine Reyes tungkol sa tunay na estado ng pagsasama nila ng asawang si Ali Khatibi.
Matagal nang usap-usapan na naghiwalay na ang dalawa at hindi na nagsasama sa isang bubong ilang taon matapos silang ikasal.
“We’re civil,” ang pag-amin ng Kapamilya actress sa panayam ng programang Headstart ni Karen Davila.
Paglilinaw pa niya, “We’re in good terms, especially with things we have to do when it comes to Amarah,” na ang tinutukoy ay ang anak nila n Ali.
Hindi pa rin niya diretsahang inamin ang break-up nila ng kanyang asawa pero reading between the lines, mukhang ganu’n na nga ang nangyari sa kanilang married life.
Nang tanungin ni Karen tungkol sa pananaw niya about marriage, ito ang sagot ni Cristine, “Ideally, it shouldn’t end, but it depends on the circumstances. But for me, if you’re not happy, you should do something about it.”
Kung matatandaan, ikinasal sina Cristine at Ali noong January 27, 2016 sa isang civil ceremony sa Balesin Island Club sa Polilio, Quezon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.