Cristine Reyes, Ali Khatibi magkasamang um-attend sa school event ng anak | Bandera

Cristine Reyes, Ali Khatibi magkasamang um-attend sa school event ng anak

Therese Arceo |April 08,2023
facebook
share this

Cristine Reyes, Ali Khatibi magkasamang um-attend sa school event ng anak

Therese Arceo - April 08, 2023 - 03:46 PM

Cristine Reyes, Ali Khatibi magkasamang um-attend sa school event ng anak

SA kabila ng kanilang paghihiwalay, spotted na magkasama sina Cristine Reyes at kanyang estranged husband na si Ali Khatibi.

Dumalo kasi ang dalawa sa isang event sa paaralan ng kanilang anak na si Amarah bilang pagsuporta sa kanilang unica hija.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi ni Cristine ang mga larawan at videos ng kanyang anak na may caption na “A m a r a h” kalakip ang emojis na sunflower, lollipop, at unicorn.

Base sa mga videos ay sumalang sa isang gymnastics competiton si Amarah at nagwagi pa ng medal.

Mayroon ring kuha si Cristine kung saan nagpe-perform ang anak sa stage.

Sa huling larawan nga ay makikita ang collage photo kung saan makikitang present ang dating mag-asawa sa mga achievements ng kanilang anak.

Marami naman sa mga kaibigan ni Cristine ang napa-comment sa post ng aktres.

“So pretty amarah. bilis ng panahon.
Mabait na bata katulad ng mommy.
Miss you both @cristinereyes,” comment ni Jopay Paguia.

Baka Bet Mo: Cristine 6 years nang single, balak ipa-background check ang mga manliligaw: ‘Masaya naman ako kahit walang lalake!’

Puri naman ni Melai, “Ganda Amarah!”

Matatandaang noong January 2018 nang unang lumabas ang chikang hiwalay na sina Cristine at Ali matapos ang dalawang taon buhat nang magkaroon sila ng civil wedding sa Balesin noong 2016.

March 2019 nang aminin ng aktres sa interview niya kay Karen Davila na may pinagdaraanan silang mag-asawa subalit hindi nito direktang inamin ang patungkol sa kanilang hiwalayan.

Sa ngayon ay civil ang relasyon ni Cristine at Ali. Maayos rin ang kanilang co-parenting set up sa anak.

Kamakailan ay nauugnay ang aktres kay Marco Gumabao ngunit wala pa namang direktang pag-amin kung in a relationship na nga ba ang dalawa.

“And hindi naman kami nagde-deny ni Cristine. Of course, napag-usapan na rin namin to, we’re not denying anything,” saad ni Marco sa nagdaang grand presscon ng latest romcom series ng TV5 at Viva Entertainment last March 22.

“Unang-una, wala naman kaming tinatapakan. We’re both single. So parang mas masarap na private lang, walang nakikiusyoso,” diin pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Cristine Reyes binago ang lifestyle para sa anak: Gusto kong maging role model ako sa kanya

Cristine inakalang hindi na makakabalik sa showbiz matapos unahin ang pamilya: ‘Nawala ang lahat sa akin at napakahirap nu’n’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending