Motorcycle riders na dadaan sa EDSA bike lanes pagmumultahin

Motorcycle riders na dadaan sa EDSA bike lanes pagmumultahin ng P1,000

Pauline del Rosario - August 27, 2023 - 11:48 AM

Motorcycle riders na dadaan sa EDSA bike lanes pagmumultahin ng P1,000

INQUIRER file photo

DAHIL dumadami ang mga motorsiklo na dumadaan sa mga bike lane sa Edsa, naghigpit na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Inanunsyo ng ahensya na huhulihin na nila ang motorcycle riders na gagamit ng nasabing bike lanes.

Bukod diyan, magpapataw na rin sila ng P1,000 na multa dahil sa pagbabalewala ng traffic signs.

Batay sa pagmo-monitor ng MMDA sa kahabaan ng pangunahing kalsada ng Metro Manila, nahaharangan na ng mga motorsiklo ang mga siklista sa paggamit ng lane na nakalaan sa kanila.

“We have observed that many motorcycle riders use the bicycle lanes on EDSA since the suspension of the no contact apprehension policy,” sey ni MMDA acting chair Don Artes.

Baka Bet Mo: ‘Exclusive motorcycle lane’ ipinatutupad na ng MMDA sa Commonwealth Ave.,QC

Dagdag pa niya, “Additionally, we have been receiving complaints from the bicycle groups stating that they could not use the dedicated lane for them.”

“The bicycle lane is reserved for cyclists or bikers and not for motorcycle riders,” paalala pa ng MMDA sa publiko.

Idinagdag din ng ahensya na hindi dapat ito ginagamit bilang “fast lanes” ng mga motorsiklo.

Samantala, nauna nang nabanggit ng MMDA na kasalukuyan nilang pinag-aaralan ang “lane sharing” sa pagitan ng mga motorsiklo at bisikleta.

“Sa amin pong datos, 165,000 na motorsiklo ang dumadaan sa Edsa everyday as compared sa mahigit isanlibo na nagbibisikleta araw-araw. So parang sa amin po, parang sa aming obserbasyon ay underutilized itong portion ng kalsada,” sey ni Artes.

“Mayroon lamang pong mga challenges diyan na kailangan pa rin pong pag-aralan tulad ng pwede pa po ba silang lumabas diyan at pumasok sa mga overpass or underpass, diyan lamang po ba sila, optional lang iyong paggamit ng mga motor dito sa bike lane, may oras ba,” paliwanag pa niya.

Ang nabanggit na lane sharing ay tatalakayin pa sa isang pagpupulong kasama ang iba pang stakeholders sa darating na August 29.

Read more:

Gretchen Ho isinusulong ang ligtas na pagbibisikleta: ‘Sana respetuhin din sa daan ang mga bisikleta’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kim naloka sa pag-angkas kay Xian: Kinabahan ako kasi ang laki-laki ng motor mo parang kabayo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending