‘Exclusive motorcycle lane’ ipinatutupad na ng MMDA sa Commonwealth Ave.,QC | Bandera

‘Exclusive motorcycle lane’ ipinatutupad na ng MMDA sa Commonwealth Ave.,QC

Pauline del Rosario - March 27, 2023 - 10:50 AM

‘Exclusive motorcycle lane’ ipinatutupad na ng MMDA sa Commonwealth Ave.,QC

INQUIRER file photo/Grig C. Montegrande

IPINATUTUPAD na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang tinatawag na “exclusive motorcycle lane” at iba pang dedicated lanes sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Ang bagong traffic guideline ay sinimulan na ngayong March 27 na magmumula sa kahabaan ng Elliptical Road hanggang Doña Carmen.

Ayon sa MMDA, ito ang ginawa nilang solusyon sa Commonwealth Ave. upang “mabawasan ang bilang ng mga aksidente na kabilang ang motorcycle-related road crash incidents at matiyak na maayos ang daloy ng trapiko sa nasabing lansangan.”

Narito ang ilang gabay ng MMDA para sa full implementation nito:

  • Ang 1st lane mula sa sidewalk ay exclusive para sa nagbibisikleta.

  • 2nd Lane ay exclusive para sa pampublikong  sasakyan.

  • 3rd Lane ay exclusive para sa mga nagmomotorsiklo.

  • 4th, 5th, 6th, 7th, 8th, at 9th Lane ay para sa iba pang sasakyan.

KUNG PAPASOK O LALABAS SA MGA SIDE STREETS O INTERSECTIONS

Ang mga sasakyang nagnanais na pumasok o lumabas sa side street o intersection ay dapat na lumihis lamang sa kanilang dedicated lane gamit ang mga transition lines o pavement markings na naka-install 100 metro mula sa solid line (depende sa lapad ng kalsada) ng kani-kanilang lane.

KAPAG PUMASOK O GALING SA ISANG ESTABLISYIMENTO

Ang mga sasakyang papunta o galing sa isang establisyimento sa kahabaan ng Commonwealth Avenue ay maaaring lumabas sa dedicated lane mula sa layong 200 metro.

KAPAG GAGAMITIN ANG U-TURN SLOTS

Ang mga mag-U-U-turn na sasakyan ay pinapayagang lumihis mula sa kanilang dedicated lane ng 200 metro mula sa gagamiting U-turn slot.

Ang mga mahuhuling lalabag ay pagmumultahin na mula P500 hanggang P1,200 depende sa ginagamit na sasakyan.

Read more:

EXCLUSIVE: Venus Raj may mensahe sa beauty queens; Sikreto para maging fit at healthy

Gretchen Ho isinusulong ang ligtas na pagbibisikleta: ‘Sana respetuhin din sa daan ang mga bisikleta’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kim naloka sa pag-angkas kay Xian: Kinabahan ako kasi ang laki-laki ng motor mo parang kabayo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending