Gretchen Ho isinusulong ang ligtas na pagbibisikleta: 'Sana respetuhin din sa daan ang mga bisikleta' | Bandera

Gretchen Ho isinusulong ang ligtas na pagbibisikleta: ‘Sana respetuhin din sa daan ang mga bisikleta’

Armin P. Adina - March 25, 2023 - 04:58 PM

Gretchen Ho isinusulong ang ligtas na pagbibisikleta: 'Sana respetuhin din sa daan ang mga bisikleta'

Gretchen Ho/ARMIN P. ADINA

ILANG taon nang nagbibisikleta ang news anchor na si Gretchen Ho, ngunit tinukoy niyang sa loob ng panahong pumapadyak siya ay napuna niyang mapanganib pa rin ito para sa marami, hindi lang para sa mga babae.

“Cycling safety here in Metro Manila has tremendous room for improvement, and I’ve been fighting for that, advocating for safe cycling on the road,” sinabi niya sa Inquirer sa isang panayam sa launch program para sa pagbabalik ng “PRURide Philipppines” ngayong taon sa Bonifacio Global City sa Taguig City noong Marso 24.

Nasambit niya ito bunsod ng balitang isang traffic enforcer ang namatay dahil sa pagliligtas sa isang siklistang muntik nang masagasaan ng isang a 14-wheeler truck sa Quezon City noong Marso 22. Nasagap niya ang balita mula sa manunulat na ito.

“Nakakalungkot makarinig ng aksidenteng ganiyan. It’s become all too common, I’d like to say, in Metro Manila,” aniya.

Sinabi ni Ho na nagsasagawa siya ng bike drives, ngunit napagtantong mahirap hikayatin ang mga tao na sumakay ng bisikleta sapagkat kulang ang imprastrakturang mabisang makaproprotekta sa mga siklista sa kalsada.

“In my second run (ng bike drive), I was approaching [local government units] na to promote the policy and for them to support bike lanes,” ibinahagi niya.

Sinabi niyang tuwing nagbibisikleta siya kasama ang isang grupo, lagi niyang pinaaalalahan ng “defensive cycling” ang mga kasama, habang umaapela sa mga motorista at lahat ng mga gumagamit ng kalsada na alalahaning may mga nagbibisikleta rin.

“Hindi lang extra ang mga bisikleta, hindi lang ‘saling kit-kit’ sa mga daan, sana respetuhin din,” aniya, habang pinaalalahanan pa rin ang mga kapwa siklista na, “you have to know how to ride well, there’s also a right way to be on the road.”

Baka Bet Mo: Oyo Sotto naaksidente habang nagba-bike, sumailalim sa surgery: Lord Jesus, maraming salamat! You’re the best!

Hindi siya nagbunton ng anumang sisi kaugnay ng aksidenteng ikinamatay ng isang traffic enforcer, at sinabing, “what we can see here is the need for everybody, whether you are driving a car, a motorcycle, or a bicycle, to respect one another.”

Iginiit ni Ho na kailangang manatili ng bike lanes. “They were there in the pandemic, some LGUs stood by them, they’re still there. Some LGUs have removed the bike lanes, trying to be subtle about it,” aniya.

Pinuri rin niya ang pagtutol sa planong conversion of bike lanes na kung saan ay pagsasamahin nalang sa iisang lane ang mga bisikleta at kotse sa Makati City.

Sinabi niyang kinakailangan ang bike lanes dahil sa pangamba ng mga siklista.

“Konting mali mo lang o konting labas mo lang sa lane mo, talagang feeling mo life-or-death situation na,” ibinahagi ni Ho, at sinabing nararapat lang na may lanes na nakalaan para lamang sa mga bisikleta, “and establish the behavior na ‘huy, mayroong mga bike diyan, respetuhin natin sila.’”

Dinagdag pa ni Ho, “I hope more than seeing it as a nuisance on the road, I hope we get to build a real system around it. When I say systems, not just the bike lanes, it’s also the end-to-end, iyong bike parking, iyong shower facilities, iyong workplace that supports that, establishments that put bike racks. Kasi kapag half-baked talagang babalik ka sa dati eh.”

“Hindi kasi naiintindihan ng lahat, kasi nasanay tayo doon sa dati na tinatanggap na lang natin na car-centric metropolitan tayo,” sapantaha ni Ho.

Gayunpaman, hindi pa rin niya ililigpit ang bisikleta niya, at sasaabk pa sa mas malayong pagpadyak sa PRURide Philippines ngayong taon.

“I’m excited to take on the challenges because I also had my first 60-kilometer race with [PruLife]. I got into cycling because of Pru, because I saw Coryn Rivera, iyong Pilipinang champion sa London,” ani Ho.

Sasabak siya sa una niyang 100-km na karera sa event sa Clark, Pampanga, sa Mayo 21. Excited na rin umano siyang pumadyak sa Mayo 28 sa Cebu sapagkat dadaan sila sa bagong Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX).

Related Chika:

Dingdong kinakarir ang ‘balik-alindog’ program; best investment ang biniling bike trainer

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Willie Revillame may ginawang kanta para kina BBM at Sarah: Ang kulang sa kampanya n’yo ay puso…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending