Willie Revillame may ginawang kanta para kina BBM at Sarah: Ang kulang sa kampanya n’yo ay puso…
NABIGYAN ng kulay ang pagtawag ni Willie Revillame kay presidential candidate at dating senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ng “Mr. President” at “mahal na pangulo.”
Ipinagdiinan ng TV host na wala pa siyang commitment kay Bongbong sa ngayon pero inamin niya na nagkakausap sila ng tumatakbong pangulo ng bansa tungkol sa kandidatura nito.
Nagsalita si Willie tungkol dito kahapon, April 26, sa nakaraang live streaming ng “Wowowin” sa YouTube at sinabing nag-usap nga sila ni Bongbong bago nagsimula ang kanyang digital program.
Tinawagan daw kasi siya ng running mate ng dating senador na si Mayor Sara Duterte sa cellphone at ipinakausap nga sa kanya si BBM.
Bungad na pahayag ni Willie, “Mr. President, mahal na pangulo, nagkita po kami ni Manong Chavit (Singson) e, mag-uusap daw tayo.”
Sa pamamagitan ng video call, pumayag naman daw makipag-usap sa kanya si Bongbong, “Meron kaming ginawa ni Vehnee Saturno na kanta para sa ‘yo.
“Ang kulang ninyo sa kampanya, puso. Ang title nu’n, ‘Puso Para sa Bayan.’ Kay Ma’am Sara, ‘Sara Ikaw Na Nga,’ yung kanta ko,
“Now, I have a song, ang title po ‘Puso Para sa Bayan,’ mahal na pangulo. Ingat po kayo Sir, Mr. President, Vice President,” lahad ng TV host-comedian.
At kasunod nga nito ay nilinaw nga ni Willie sa mga supporters at viewers ng “Wowowin” ang kanyang political stand.
“‘Yan naman ho, e, walang commitment pa. Yan naman ho ay tinawagan lang ako. Nagulat ho ako dahil ho biglang tumawag si Ma’am Sara.
“Nag-text ako sa kanya, sabi ko tinawagan ako ni Manong Chavit kahapon ho ng umaga, nagbe-breakfast ako.
“Sabi niya, ‘Nasaan ka? Mag-usap tayo. Gusto kitang makausap.’ After ho ng dinner namin, para malaman niyo lang ho. Para hindi kayo nagugulat,” sabi pa ni Willie.
“Wala naman pong commitment ‘yan. Gusto lang daw nila akong makausap at, yun nga, sabi ko, ‘Sige ho. Mag-uusap ho kami.’ Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin,” paglilinaw pa ng TV host.
Dugtong pa niya, “But anyway, ilang tulog na lang ho ito, eleksyon na. Natawag ko silang Mr. President at Vice President kasi yun naman ang tinatawag sa kanila.
“Pero malalaman pa naman ho natin ‘yan mismo sa May 9 kung sino talaga ang magiging presidente. Wala pa naman desisyon ang sambayanan.
“Sa lahat ng mga botante, sa lahat ng mga boboto, may karapatan ho tayong lahat at bawat Pilipino.
“So, ito na po ang pagkakataon kung gusto natin ng pagbabago. Kung gusto natin ng pagkakaisa. Gusto natin na maging maganda ang buhay ng bawat Pilipino,” chika pa ng host ng “Wowowin”.
Kaya abangan na lang natin kung si Bongbong na nga ang susuportahan niyang presidential candidate sa darating na May 9 elections.
https://bandera.inquirer.net/283849/willie-umaming-nalugi-ng-p140-m-dahil-sa-wowowin
https://bandera.inquirer.net/309374/willie-walang-cancer-nagpasalamat-sa-lahat-ng-nagdasal-thank-you-lord-thank-you
https://bandera.inquirer.net/293642/hugot-ni-isko-opo-lumaki-akong-busabos-ngunit-hindi-ako-naging-bastos
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.