EXCLUSIVE: Venus Raj may mensahe sa beauty queens; Sikreto para maging fit at healthy
“DON’T give up on your dreams!”
‘Yan ang naging mensahe ni Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj para sa mga beauty queen na muling sasabak sa iba’t-ibang pageants ngayong taon.
Sa exclusive interview with BANDERA, sinabi ni Venus na hindi naman masama na muling sumubok sa kompetisyon.
Pagkakataon din daw ito upang makita kung ano pa ang mga kailangan pang ma-improve sa sarili at sa sinasalihang pageant.
“If you’re a beauty queen and you are joining again maybe for the 2nd time or the 3rd time or the 4th time, that’s amazing. I really want to encourage you to try it again,” sey ni Venus.
“Because that’s gonna be your story of perseverance. And you can also see kung ano ba ‘yung mga ginawa noon when you joined the previous years, ano ba ang ginawa mo noon that you can learn from then improve as you joined again this year,” patuloy niya.
Dagdag pa niya, “Whatever pageant that would be, hope that you learn from previous experiences and you take that to be able to improve now. But don’t give up. Alam natin na my dreams tayo in life. So don’t give up on your dreams.”
“And hopefully, when you look back you will not regret your life na hindi ka sumali ulit or hindi mo sinubukan ulit. So try again and see where the Lord will take you,” aniya.
Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Venus Raj mala-‘Big Ate’ ang peg sa sariling podcast, magbabalik-showbiz na nga ba?
Kung maaalala, muling nakalusot sa final screening ng Miss Universe Philippines ang beauty queen na si Pauline Amelinckx.
Para sa mga hindi pa masyadong aware, ito na ang ikatlong beses na sumali si Pauline sa nasabing pageant.
Noong nakaraang taon lamang ay nakuha niya ang titulong Miss Universe Philippines-Charity.
Habang noong 2020 ay naging third runner-up siya sa MUPH na kung saan ay si Rabiya Mateo ang kinoronahan.
Bukod pa sa kanya, nagbabalik din sa kompetisyon si Michelle Dee na kinoronahang Miss Universe Philippines Tourism 2022.
Pasok din sa Top 40 ng MUPH si Samantha Alexandra Panlilio na dating Miss Grand International 2021, pati na rin si Emmanuelle Fabienne Camcam na naging third runner-up sa Reina Hispanoamericana 2021.
Ang kokoronahang bagong Miss Universe Philippines ngayong taon ay nakatakdang ilaban sa international stage sa El Salvador.
Samantala, ibinunyag ni Venus sa BANDERA ang kanyang sikreto upang maging fit and healthy.
“I make sure na kahit busy ang schedule, exercise pa rin. Then lesser sugar and more fiber kasi mahirap na ang digestion. So kailangan na ng mga gulay at prutas,” pagbubunyag ng beauty queen.
Chika pa niya, “As much as possible, I sleep 8 hours pa rin kung kaya ng schedule. Pero kung hindi man ako makatulog ng 8 hours, I make sure na at least the following day or within the day of that specific day makatulog pa rin ako at makapagpahinga pa rin.”
Kamakailan lang ay inanunsyo ni Venus ang kanyang kauna-unahang podcast na pinamagatang “The Major Major Podcast” under Podcast Network Asia.
Sa nasabing show, tatawagin na siyang “Ate Vee” na handang makinig sa mga kabataan na may pinagdadaanang mga isyu at problema sa buhay.
Kaya kung may major, major concerns kayo sa life at gustong humingi ng advice mula kay Ate Vee, magpadala lang kayo ng sulat sa pamamagitan ng email: [email protected]
Ang “The Major Major Podcast” ay mapapakinggan at mapapanood sa Spotify, Apple Podcast at YouTube tuwing Biyernes, 5 p.m.
Ang unang episode ay ilalabas na sa March 17.
Related Chika:
EXCLUSIVE: Venus Raj ‘priority’ sa buhay ang paglilingkod sa Diyos, kabataan
BABAE IBANDERA: Pinay celebrities and personalities na handang tumulong sa kapwa
BABAE IBANDERA: Mensahe ng Ilang artista sa pagdiriwang ng National Women’s Month
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.