EXCLUSIVE: Venus Raj ‘priority’ sa buhay ang paglilingkod sa Diyos, kabataan | Bandera

EXCLUSIVE: Venus Raj ‘priority’ sa buhay ang paglilingkod sa Diyos, kabataan

Pauline del Rosario - March 16, 2023 - 10:54 AM

EXCLUSIVE: Venus Raj ‘priority’ sa buhay ang paglilingkod sa Diyos, kabataan

PHOTO: Courtesy Venus Raj

SERBISYO sa Diyos at kabataan.

‘Yan ang pangunahing prayoridad ngayon sa buhay ni Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj matapos ang kanyang Miss Universe stint mahigit isang dekada na ang nakakaraan.

Nakachikahan ng BANDERA si Venus matapos maimbitahan sa isang exclusive media preview ng kanyang first-ever podcast under Podcast Network Asia.

At nalaman nga namin na matagal nang aktibo ang beauty queen pagdating sa community at advocacy works.

Bumibisita siya sa iba’t-ibang eskwelahan sa bansa upang magbigay ng motivational talks sa ilalim ng “Not Alone” program ng Elevate Movement Inc.

“I’m really blessed to see na, you know, the Lord is allowing me to still do the things that I love to do. And tuloy-tuloy pa rin ang projects and programs that we are doing in different schools and in different ministries that I’m involved in,” sey ni Venus sa BANDERA.

Sinabi rin niya na ito ang nakikita niyang pagkakataon upang makapaglingkod sa Diyos.

Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Venus Raj mala-‘Big Ate’ ang peg sa sariling podcast, magbabalik-showbiz na nga ba?

Paliwanag pa ni Venus sa nasabing programa, ito ay isang support system sa mga bata upang iparamdam na hindi sila nag-iisa sa mga pinagdadaanang problema.

“So the program that we run in different schools, it’s called #NotAlone,” sey ni Venus.

Paliwanag niya pa, “Basically, it’s taking students to the next level when it comes to relationships, to leadership, and even their studies.”

Dagdag niya, “So ang idea is because the young people are going through a lot of things, especially pressure, minsan ‘yung mga bata kapag nag-aaral sila, grabe ‘yung pinagdadaanan na pressure tapos may relationships issues, meron pang financial issues, ilang issues sa kanilang pag-aaral.”

“Parang kami as an organization, we want to help students na ma-realize nila na hindi sila mag-isa sa journey nila,” Ani pa niya.

Bukod sa nasabing programa, parte rin si Venus sa ilan pang organisasyon na may kinalaman sa pagtulong.

“I’m also part of an organization called SIPAG or Simula ng Pag-asa. Ito naman, we go to different vulnerable communities,” saad niya.

Aniya, “Ito more on community development, more on community organizing. We train women in the communities. We develop urban poor communities. Pero this is more on parang collaboration ‘to with the LGU, with the military, with the PNP and with the community itself.”

PHOTO: Courtesy Venus Raj

Maliban pa sa advocacy works, inisa-isa rin niya ang ilan pa sa mga prayoridad niya sa buhay.

Kabilang na nga riyan ang pagseserbisyo sa Panginoon, sa kapwa, trabaho pati na rin sa pamilya at mga kaibigan.

Paglalahad ng beauty queen, “Number one is my personal walk. Ano ang ibig sabihin ng personal walk? It’s my devotion to the Lord. Kasi kung hindi okay ‘yun, pag hindi okay ang heart ko towards the Lord o hindi okay ang heart ko when it comes to, you know, life, hindi rin okay ang heart ko sa ibang bagay na gagawin ko pa sa susunod.”

“The second one is serving others. So I’m part of different ministries. One of the ministries that I serve is the youth ministry kasama doon ‘yung program na ginagawa namin sa mga schools. I also mentor ladies,” patuloy niya.

Dagdag pa niya, “Kasama pa rin ang trabaho kasi that’s also another gift and responsibility that the Lord has given me.”

“And of course, if there are other things like relationships, friendships, especially family. ‘Yan mga bagay na ‘yan talagang pinagtutuunan natin ng pansin kasi hindi pwedeng okay ka sa labas pagdating sa loob ng pamilya mo, hindi pala kayo okay ng pamilya mo,” aniya.

Kamakailan lang ay inanunsyo ni Venus ang kanyang kauna-unahang podcast na pinamagatang “The Major Major Podcast.”

Sa nasabing show, tatawagin na siyang “Ate Vee” na handang makinig sa mga kabataan na may pinagdadaanang mga isyu at problema sa buhay.

Kaya kung may major, major concerns kayo sa life at gustong humingi ng advice mula kay Ate Vee, magpadala lang kayo ng sulat sa pamamagitan ng email: [email protected]

Ang “The Major Major Podcast” ay mapapakinggan at mapapanood sa Spotify, Apple Podcast at YouTube tuwing Biyernes, 5 p.m.

Ang unang episode ay ilalabas na sa March 17.

Related Chika:

Venus Raj nanibago sa photo shoot: Was so conscious about my body because I gained weight…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Venus Raj binanatan dahil sa masaklap na nakaraan, pero umalma: Your past does not define you

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending