Miss Universe PH mas maraming ‘reyna’ ang kokoronahan ngayong 2024
MUKHANG mas exciting ang coronation day ng Miss Universe Philippines pageant ngayong taon!
Bukod kasi sa main title na MUPH, mas marami pang reyna ang magwawagi at kokoronahan.
Inanunsyo ng pageant organizer na Empire Philippines na dinagdagan ng apat pang additional tites ang tatanghalin.
Ito raw ay para sa international franchises under the brand of The Miss Philippines Culture and Heritage Celebration, kabilang na riyan ang Miss Supranational Philippines, Miss Charm Philippines, Miss Eco International Philippines at Miss Cosmo Philippines.
“FOUR MORE QUEENS will be crowned in a separate coronation after Miss Universe Philippines on May 22 at the SM MOA Arena! [four crown emojis],” sey sa Facebook page ng The Miss Philippines.
Baka Bet Mo: OPM musician Dia Maté proud na proud maging pambato ng Cavite sa MUPH 2024
Sa online interview ng INQUIRER.net, chinika ng Empire Philippines head at MUPH Organization president na si Jonas Gaffud na kokoronahan ang four additional queens pakatapos ng official ceremonies ng 2024 MUPH competition.
Hindi na rin daw ito sakop ng live streaming, pero ang coronation ng apat na reyna ay gagawin din sa parehong entablado.
Kung maaalala, nangyari na ito last year kung saan kinoronahan sa hiwalay na programa at ginanap sa ibang venue si Pauline Amelinckx bilang Miss Supranational Philippines at si Krishnah Gravidex as Miss Charm Philippines.
Nabanggit din ni Jonas na wala muna silang pipiliing bagong winners para sa dalawang international titleholders.
“The reason why we will not award Miss Asia Pacific International and Miss Aura is because both international contests will be held in October, and we already have representatives proclaimed last February,” sey ng organizer head.
Para sa kaalaman ng marami, ang Empire Philippines ay kasalukuyang may hawak na walong lisensya mula sa iba’t ibang international pageant.
Ayon kay Jonas, simula sa susunod na taon ng Miss Universe Philippines competition, lahat ng kanilang international representatives ay pipiliin na mula sa isang national contest na lamang.
“But the branding will still be The Miss Philippines for the other girls,” paliwanag niya.
53 delegates ang maglalaban sa inaabangang kompetisyon ng Miss Universe Philippines para sa taong ito.
Ang coronation day ay mangyayari sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sa darating na May 22.
Ang magwawagi ng MUPH title ay isasabak sa ika-73rd edition ng Miss Universe pageant na gaganapin sa Mexico sa huling bahagi ng taong 2024.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.