Kim naloka sa pag-angkas kay Xian: Kinabahan ako kasi ang laki-laki ng motor mo parang kabayo! | Bandera

Kim naloka sa pag-angkas kay Xian: Kinabahan ako kasi ang laki-laki ng motor mo parang kabayo!

Ervin Santiago |September 06,2021
facebook
share this

Kim naloka sa pag-angkas kay Xian: Kinabahan ako kasi ang laki-laki ng motor mo parang kabayo!

Ervin Santiago - September 06, 2021 - 02:04 PM

Xian Lim at Kim Chiu

DINEDMA at kineribels nang bonggang-bongga ni Kim Chiu ang matinding init at pagod para lamang makasama si Xian Lim sa isang mahabang motorcycle ride.

Nakipagsabayan talaga ang actress-TV host sa kanyang boyfriend sa paglaban sa initan sa pagbisita nila sa Buso-Buso mountain na matatagpuan sa Batangas.

Ibinahagi ni Kim sa kanyang latest vlog ang kauna-unahang pagkakataon na naging back rider siya ni Xian mula nang matuto ang bagong Kapuso star na magmaneho ng big bike.

“I am sharing with you my first experience na sumakay ng motorcycle with Xi. Nagpunta kami sa magandang place, magandang adventure. May konting haggardness lang along the way,” pahayag ni Kim.

Kitang-kita sa video ng dalaga na talagang stress na stress na siya sa matinding init ngunit nang marating na nila ang tuktok ng bundok ay bigla raw nawala ang pagod ng dalaga.

“Super nice. Worth it pala ‘yung pagpunta natin dito. Hinusgahan ko kaagad. Hindi namin plinano ito. Breakfast lang talaga kami sa Buso-Buso but this is the view. Thank you Xi. Para kaming nasa Canada in Banff,” pahayag ng Kapamilya star.

Aniya pa, “Ang lakas makapanglalaki ng labanan. Worth it ‘yung view pero papunta doon at pauwi hindi kaya. Sobrang init.”

Kuwento pa ni Kim, totoong nakakapagod at nakaka-haggard ang ginawa nila ni Xian ngunit talagang kinarir niya ang buong journey dahil alam niyang dito magiging maligaya ang kanyang boyfriend.

“Siyempre kinabahan ako kasi ang laki-laki ng motor mo parang kabayo. Tapos ang layo pa ng pupuntahan natin pero that was super fun so thank you,” sey ni Kim kay Xian.

“Enjoy naman ako kahit paano pero mas okay sa akin na happy ka na sumama ako sa ‘yo. ‘Yun na lang ang pinanghahawakan ko Xi, na sumama ako sa ‘yo. Pero sobrang ganda nu’ng view,” chika pa ni Kimmy.

Todo naman ang pasasalamat ni Xian sa kanyang very supportive girlfriend dahil alam niya kung paano nagsakripisyo ang dalaga para lang sa kanyang hobby.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nangako rin ang actor-director na hindi na niya iaangkas si Kim under extreme weather conditions.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending