MMDA: Ilang kalsada sa Metro Manila isinara na muna, aayusin hanggang May 2 | Bandera

MMDA: Ilang kalsada sa Metro Manila isinara na muna, aayusin hanggang May 2

Pauline del Rosario - April 29, 2023 - 04:21 PM

Balita featured image

ABISO sa mga motorista, lalo na rito sa Metro Manila!

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pansamantalang isasara ang ilang mga kalsada dahil sa isinasagawang repair ngayong long weekend.

Ayon sa social media post ng MMDA, nag-umpisa na ang repair noong Biyernes (April 28) at magtatagal ito ng hanggang May 2.

“The DPWH will undertake reblocking and repairs, on the following roads starting 11 p.m. tonight, April 28 until 5 a.m. of May 2. Motorists are advised to take other routes,” saad sa pahayag ng ahensya.

Narito ang kumpletong listahan ng mga lugar kung saan isasagawa ang reblocking at repair:

  • C-5 Road (northbound lane), Caparas Street hanggang C-5 Ortigas Flyover, Pasig City

  • Epifanio de los Santos Avenue (Edsa) (southbound lane) sa baba ng Ayala MRT-3 Station sa harap ng SM Makati (rotomilling/ asphalt overlay), Makati City

Baka Bet Mo: ‘Exclusive motorcycle lane’ ipinatutupad na ng MMDA sa Commonwealth Ave.,QC

  • Edsa (northbound lane) malapit sa MRT-3 Buendia Station, Makati City

  • Edsa (southbound lane) Panorama Building hanggang sa kabila ng SM North Annex (2nd lane from center island), Quezon City

  • Edsa (southbound lane) Cloverleaf Interchange hanggang Balintawak LRT-1 Station (3rd lane mula sa sidewalk), Quezon City

  • Luzon Avenue (northbound lane) bago ang Congressional Avenue Extension (2nd lane mula sa plant box), Quezon City

  • Commonwealth Avenue (southbound lane) after riverside hanggang sa kabilang lugar ng Sandiganbayan (2nd lane mula sa center island), Quezon City

  • Commonwealth Avenue (southbound lane) Zuzuaregui hanggang Intramuros Village (5th lane mula sa center island), Quezon City

  • Edsa (northbound lane) Orense Street hanggang Urdaneta Street (bike lane at 1st lane), Makati City

  • Edsa (northbound lane) sa pagitan ng Sgt. Mariano Street at M. dela Cruz Street (2nd lane mula sa sidewalk), Pasay City

  • McArthur Highway (southbound lane) K0010 + (-399) to K0010 + 025, Malabon City

  • A. Bonifacio Avenue (southbound lane) corner Sgt. Rivera (3rd at 4th lane mula sa sidewalk), Quezon City

  • C-5 Road along Doña Julia Vargas Avenue (westbound lane) malapit sa Valle Verde IV gate, sa kasagsagan ng Doña Julia Vargas Avenue malapit sa Valle Verde V gate, kasama ang Pasig Boulevard (westbound) na malapit sa Universal Robina Corporation, Pasig City

  • Edsa (southbound lane) mula sa Kamuning Road hanggang 3rd Road 1st lane (bike lane at travel lanes), Quezon City

Read more:

Gretchen Ho isinusulong ang ligtas na pagbibisikleta: ‘Sana respetuhin din sa daan ang mga bisikleta’

Aljur ‘chill-chill’ lang matapos ang paghihiwalay nila ni Kylie

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending