MMDA ipinagbawal ang personal vlogging ng kanilang operasyon

MMDA ipinagbawal na ang personal na pagba-vlog ng kanilang operasyon

Pauline del Rosario - April 06, 2025 - 12:01 PM

MMDA ipinagbawal na ang personal na pagba-vlog ng kanilang operasyon

INQUIRER file photo

HINDI na pwede ang “personal vlogging” na ibinabandera ang operasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ito ay ayon mismo sa ahensya matapos umano ipahiya ang isang pulis sa Quezon City dahil sa paglabag sa batas trapiko. 

“Ipagbabawal natin ‘yung mga personal posts [about operations]. Gagawin namin ay institutional, MMDA na lang magpo-post ng clearing operations natin, whether pictures or video,” sey ni MMDA Chairperson Don Artes sa isang press conference nitong Biyernes, April 4, na iniulat ng INQUIRER.

Patuloy niya, “Napirmahan ko na actually ‘yung regulation regarding pagpo-post ng actual na trabaho.”

Baka Bet Mo: Russian-American vlogger posibleng ideklarang persona non grata –Malacañang

“Hindi namin pinipigilan ‘yung [about] personal. Pero ‘yung [about] implementation ng aming trabaho, ‘yun ang aming ire-regulate,” dagdag pa ni Artes.

Mapapanood sa naturang viral video na tila ipinahiya ni MMDA Special Operations Group Strike Force head Gabriel Go si Police Captain Mann Felipe habang binibigyan ito ng tiket dahil sa pagparada sa bangketa habang may isinasagawang clearing operation sa Quezon City.

Nainsulto si National Police Commission (Napolcom) Commissioner Ralph Calinisan sa nasabing video at sinabing wala namang dahilan para magpahiya ng mga pulis para lang dumami ang views at clicks sa vlog.

Noong April 3, humarap si Go kasama si Calinisan sa isang press conference sa Napolcom office sa Quezon City upang humingi ng paumanhin sa nangyari.

Gayunpaman, iginiit ni Artes na may dahilan kung bakit nagpo-post ang MMDA tungkol sa kanilang mga operasyon sa social media.

“Importante rin kasi sa amin na maipakita na patuloy ‘yung ginagawa naming trabaho [at] ipakita rin ‘yung mga obstructions na nagdudulot ng traffic sa ating kalsada,” paliwanag ni Artes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya pa, “Pero, kailangan rin siguro namin ng control. Sa aming palagay, minsan may excesses din. Minsan, may makikita kaming enforcers na pine-personal lang. Pati yung pagti-ticket nila, ivl-vlog pa na tingin namin, nakakaabala sa trabaho.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending