EDSA Shrine bantay-sarado ng mga pulis matapos maaresto si Duterte
NAKAANTABAY na ang ilang miyembro ng awtoridad mula sa Quezon City Police District (QCPD) at Special Weapons and Tactics (SWAT) sa paligid ng EDSA Shrine.
Ito ay may kaugnay para sa kanilang inaasahang pagdagsa ng mga tao matapos maaresto ng dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Martes, March 11.
Base sa mga lumabas na ulat, ngayong araw, March 12, nagsimula nang dumating ang mga police mobile ng QCPD para i-monitor ang seguridad sa paligid ng EDSA Shrine.
Nasa 70 katao ang mga pulis na naka-deploy sa naturang lugar.
Baka Bet Mo: Vice Ganda inalala ang EDSA People Power: ‘Ang kapangyarihan ay bumalik sa tao!’
View this post on Instagram
Nagdeklara rin ng heightened alert ang hilippine National Police (PNP) kaugnay sa mga panawagan ng posibleng pagtitipon ng mga tao sa palibot ng EDSA Shrine.
Nitong Martes ng gabi, March 11, isinailalim na ng PNP ang lahat ng regional offices nito sa heightened alert dahil sa posibilidad ng pagkakaroon ng kilos protesta laban sa pagkakaaresto ng dating Pangulong Duterte.
Sa ngayon ay nananatili namang kalmado ang sitwasyon sa EDAA Shrine at wala pa namang senyales at kumpirmasyon sa pagdagsa ng mga sumusuporta kay Duterte sa lugar.
Ayon sa huling update, lumapag sa Dubai ang eroplanong lulan si Duterte at sa ngayon ay papunta na ito ng Nertherlands.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.