BINI 'di tinapos ang 'ID' performance dahil sa pasaway na fans

BINI ‘di tinapos ang Independence Day performance dahil sa pasaway na fans

Ervin Santiago - June 13, 2024 - 08:11 AM

BINI 'di tinapos ang Independence Day performance dahil sa pasaway na fans

BINI

HINDI na natapos ng P-pop girl group na BINI ang kanilang performance sa isang event kagabi, June 12, dahil sa ilang pasaway na fans.

Nangyari ito sa 126th Independence Day celebration na ginanap sa Quirino Grandstand sa Maynila kung saan balitang nag-akyatan sa scaffoldings sa lugar bukod pa sa hindi mapagsabihan na lumayo ng ilang metro sa stage.

Pagkatapos kantahin ng grupo ang kanilang hit track na “Lagi” ay nakiusap ang mga miyembro nito na umatras ang audience nang kaunti mula sa stage dahil nga naglapitan na ang kanilang fans.

Baka Bet Mo: Pasaway na aktres tatanggalin na sa sitcom: Grabe! Sakit lang siya sa ulo!

“Bago ang lahat, bago kami magpatuloy kailangan naming kayo kumalma guys dahil mahihirapan ang mga security natin,” ang pakiusap ng BINI member na si Jhoanna sa mga manonood.

Bago raw nila ipagpatuloy ang kanilang production number ay kailangang umurong muna ang mga tao na nasa harapan na mismo ng stage ng Quirino Grandstand para na rin sa seguridad ng lahat ng naroon.

Sinabi pa ni BINI Maloi na may nakita pa siyang tao na umakyat sa scaffolding kaya nakiusap din siya na bumaba na at baka mahulog pa ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BINI_ph (@bini_ph)


Pumagitna rin ang dance coach ng BINI na si Mickey Perz para kausapin ang mga tao na sumunod sa mga safety instructions para na rin sa kanilang kaligtasan at makaiwas sa anumang hindi kagandahang insidente.

Baka Bet Mo: Karen Davila sa BINI: ‘OMG ang babait! Tama lang na iniidolo niyo sila!’

“Blooms alam naming kanina pa kayo andito at matagal kayong anghintay sa BINI.

“Ang BINI din ay naghihintay sa inyo. Kung hindi tayo magiging kalma, hindi na po kami makaka-perform kasi importante sa BINI na safe mag-perform,” ayon kay Mickey.

Sa official X (dating Twitter) account ng BINI, nagpasalamat ang grupo sa lahat ng nagpunta at nanood sa kanilang Independence Day performance pero anila, mas mahalaga ang kaligtasan ng lahat.

“Thank you sa lahat ng sumuporta ngayong gabi! Ngunit safety first po tayo and we hope for your understanding. More chances to see each other real soon!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We hope everyone gets home safely tonight. Maraming salamat! Happy Independence Day,” sabi ng grupo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending