Voltes V sumugod sa 125th Philippine Independence Day sa US; 5 matinding pasabog ng GMA aarangkada na | Bandera

Voltes V sumugod sa 125th Philippine Independence Day sa US; 5 matinding pasabog ng GMA aarangkada na

Ervin Santiago |June 07,2023
facebook
share this

Voltes V sumugod sa 125th Philippine Independence Day sa US; 5 matinding pasabog ng GMA aarangkada na

Ervin Santiago - June 07, 2023 - 07:39 AM

Voltes V sumugod sa 125th Philippine Independence Day sa US; 5 matinding pasabog ng GMA aarangkada na

Herlene Budol at Voltes V

TALAGANG “All for Love, Love for All” ang gustong ihandog ng GMA Network sa exciting offerings at surprises na hatid nito ngayong June at July para sa selebrasyon ng kanilang 73rd anniversary.

For sure, mamahalin ng viewers ang mga pinakaaabangang series na magpapakilig, magpapaiyak, magpapatawa, at magpapadama sa kanila ng iba’t ibang mukha ng pag-ibig.

Kabilang sa mga ito ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” nina Bong Revilla at Beauty Gonzalez, “LUV IS: Love at First Read”, “Royal Blood” ni Dingdong Dantes, “Magandang Dilag” starring Herlene Budol at “Battle of the Judges” with Bea Alonzo at Boy Abunda.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


Ihilera pa rito ang pelikulang “The Cheating Game” na pinagbibidahan ng mga bigating Kapuso artist. Hindi rin siyempre dapat ma-miss ang pagrampa ng Kapuso stars sa red carpet para sa inaabangang GMA Gala Night.

Love na love talaga ng Kapuso Network ang viewers kaya parating the best ang surprises na handog nito para sa kanila. Kaya naman, hindi na itatanong pa kung bakit patuloy rin itong minamahal ng viewers sa mahigit pitong dekada nito sa industriya.

* * *

Napa-wow ang Global Pinoys sa sumalubong sa kanilang 20-foot inflatable robot na si Voltes V sa 125th Philippine Independence Day celebration sa Bergenfield, New Jersey.

Baka Bet Mo: Michael V sa mga nang-okray sa trailer ng ‘Voltes V: Legacy: ‘Nagpapa-cool at naggagaling-galingang mga ignoranteng basher’

Isa lamang ito sa mga nakahandang surprise ng GMA Pinoy TV para sa mga kababayan natin abroad. Kasama rin sa bonggang celebration ang bigating Kapuso artists na sina Xian Lim, Megan Young, Gabby Concepcion, at Ruru Madrid.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Voltes V: Legacy (@voltesvlegacy)


Ang susunond namang bibisitahin ni Voltes V ay ang Piyesta Pinoy sa Chicago ngayong June 10.

Samantala, patindi pa nang patindi ang mga kaganapan sa hit live-action adaptation na “Voltes V: Legacy.” Don’t miss the epic battles every night, 8 p.m. sa GMA Network. Syempre mapapanood din ito sa GMA Pinoy TV.

Jeremy G may bagong kanta para sa mga torpe, nagpayo: Just follow your heart

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Direk Mark Reyes emosyonal sa presscon ng ‘Voltes V: Legacy’, inisa-isa ang matitinding challenge sa shooting: ‘Ito na ang pruweba na ginastusan ‘to!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending