Michael V sa mga nang-okray sa trailer ng 'Voltes V: Legacy: 'Nagpapa-cool at naggagaling-galingang mga ignoranteng basher' | Bandera

Michael V sa mga nang-okray sa trailer ng ‘Voltes V: Legacy: ‘Nagpapa-cool at naggagaling-galingang mga ignoranteng basher’

Ervin Santiago - January 03, 2023 - 07:25 AM

Michael V sa mga nang-okray trailer ng 'Voltes V: Legacy: 'Nagpapa-cool at naggagaling-galingang mga ignoranteng basher'

Michael V

MATAPANG na niresbakan ng Kapuso Comedy Genius na si Michael V ang mga netizens na nang-okray sa mega trailer ng “Voltes V: Legacy” ng GMA 7.

Sinupalpal ni Bitoy ang mga bashers at haters ng upcoming fantasy-action-adventure series ng Kapuso Network na nag-post ng kanilang comments sa social media matapos nilang mapanood ang mahigit sa limang minutong trailer nito.

Tinawag pa ni Michael V na “nagpapa-cool at naggagaling-galingang mga ignoranteng bashers” ang nangnega sa trending at viral full trailer ng “Voltes V: Legacy”, na umere pagkatapos ng “Kapuso Countdown To 2023.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Voltes V: Legacy (@voltesvlegacy)


Isa ang Kapuso comedian at content creator sa milyun-milyong fans ng classic Japanese anime na namangha at napa-wow sa bonggang live action trailer comeback nito sa Philippine TV.

“I know, nag-express na ‘ko ng excitement ko sa previous post ko pero this trailer got me more excited than ever!

“Nabasa ko rin ‘yung mga comments n’yo and I’m glad na maraming nag-a-agree especially ‘yung TOTOONG FANS ng V5,” pahayag ni Bitoy sa kanyang Facebook post.

Sabi pa niya sa mga nam-bash sa mega trailer ng programa, “Kung hindi talaga kayo fan, wala nang magpapasaya sa inyo kahit sino at kahit kailan.

“Marami pa rin ang mga nagpapanggap at hindi matanggap na kaya nang gawin ‘to ng network with the right tools, right people and a ton of passion,” dagdag pa niyang pahayag.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)


“Basta ako, sa trailer pa lang na ‘to SOLD na ako! Kudos kay Direk Mark Reyes, sa cast, sa animators and everyone involved sa production ng Voltes V: Legacy!

“You made me travel back to my childhood and relive a feeling that has long been waiting to be rekindled. I’m looking forward to that feeling in every episode.

“To all the fans and the bashers, this show is for you! Wala kahit isa sa inyo ang pwedeng magnakaw ng saya na naramdaman ko nu’ng napanood ko ‘to,” lahad pa ng veteran comedian.

Milyun-milyon na nakuhang views ng “Voltes V: Legacy” full trailer. Ito ang sinasabing pinakamagastos at pinakapasabog na live adaptation project sa history ng GMA Network.

Bida sa “Voltes V: Legacy” sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho, sa direksyon ni Mark Reyes.

Ka-join din sa cast sina Martin del Rosario, Dennis Trillo, Carla Abellana, Gabby Eigenmann, Neil Ryan Sese, Liezel Lopez, Christian Vazquez, Epy Quizon, Albert Martinez, Carlo Gonzales at Nico Antonio.

‘Voltes V Legacy’ ni Mark Reyes aprub na aprub sa Toei Company: Na-surprise sila sa napanood nila!

‘Voltes V: Legacy’ team, sasabak na sa lock-in taping; Aicelle maraming nadiskubre bilang mommy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Banat ni Sunshine Cruz sa basher na tumawag sa kanya ng lola: Kumain ka…mukha kang gutom

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending