'Voltes V: Legacy' team, sasabak na sa lock-in taping; Aicelle maraming nadiskubre bilang mommy Bandera

‘Voltes V: Legacy’ team, sasabak na sa lock-in taping; Aicelle maraming nadiskubre bilang mommy

Ervin Santiago |May 24,2021
share this

‘Voltes V: Legacy’ team, sasabak na sa lock-in taping; Aicelle maraming nadiskubre bilang mommy

Ervin Santiago May 24, 2021 - 05:50 PM

MAS marami pang bagong discovery ang Soul Diva na si Aicelle Santos sa kanyang sarili mula nang magkaroon sila ng anak ni Mark Zambrano.

Kuwento ng Kapuso singer-actress, may mga bagay na nabago at natuklasan tungkol sa kanyang pagkatao simula nang maging ganap na mommy kay Baby Zandrine.

Sa isang interview kay Aicelle,  ibinahagi ng first time nanay na nasosorpresa siya sa mga kinakaya niyang gawin para sa panganay na anak.

“What surprised me the most is how much you can change for your child. Now na mayroon ka ng anak, kapag gumising na ang anak mo ng 6:30 a.m., wala kang choice, kailangan mo ring gumising ng ganoon kaaga.

“Magtse-change siya, magpi-feed siya, kailangan mong magpaaraw. Yun ‘yung mga bagay na naisip kong kaya ko palang magbago.

“Bakit? Kasi mahal na mahal mo ‘yung anak mo and you will do everything or anything for her,” aniya pa.

Bukod sa pagiging mommy, abala rin si Aicelle bilang mainstay performer sa weekend variety show na “All-Out Sundays” at pagiging judge sa world class singing competition for kids ng GMA na “Centerstage.”

* * *

Puspusan na ang paghahanda ng lahat ng involved sa production ng highly-anticipated live-action TV series ng Kapuso Network na “Voltes V: Legacy” para sa first leg ng kanilang lock-in taping.

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Direk Mark Reyes na nakapag-check in na sa hotel ang ilang cast members ng series nitong Biyernes upang sumailalim sa quarantine bago opisyal na simulan ang kanilang taping.

Kasama sa post ang kakalaban sa team Voltes V na Boazanian gang na kinabibilangan nina Prince Zardos (Martin del Rosario), Zuhl (Epy Quizon), at Draco (Carlo Gonzalez), kasama rin ang Executive Producer ng series na si Darling Torres.

Ani Direk Mark, “We start our hotel quarantine today. In a few days, we’ll finally start production on Voltes V: Legacy! #newnormal #safetyprotocols #letsvtogether #theboazaniansarecoming.”

Iikot ang kuwento ng “Voltes V: Legacy” sa tatlong magkakapatid na sina Steve (Miguel Tanfelix), Big Bert (Matt Lozano), at Little Jon Armstrong (Raphael Landicho) kasama ang kanilang mga kaibigan na sina Jamie Robinson (Ysabel Ortega) at Mark Gordon (Radson Flores) na may misyong labanan ang humanoid aliens na Boazanians na planong sakupin ang mundo.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending