Hit songs ni Celine Dion ‘binuhay’ sa upcoming film na ‘Love Again’ | Bandera

Hit songs ni Celine Dion ‘binuhay’ sa upcoming film na ‘Love Again’

Pauline del Rosario |February 17,2023
facebook
share this

Hit songs ni Celine Dion ‘binuhay’ sa upcoming film na ‘Love Again’

Pauline del Rosario - February 17, 2023 - 06:19 PM

Hit songs ni Celine Dion ‘binuhay’ sa upcoming film na ‘Love Again’

PHOTO: Courtesy of Sony Pictures

TILA binigyan ng buhay ang ilang sikat na mga kanta ng iconic singer na si Celine Dion.

Ito kasi ang ginawang inspirasyon upang mabuo ang upcoming romantic comedy film na pinamagatang “Love Again.”

Kalalabas lang ng trailer nito at tampok diyan mismo ang legendary Canadian singer.

Ang istorya ng pelikula ay iikot sa dalawang tao na pinagtagpo ng tadhana sa pamamagitan ng random text messages.

Mapapanood sa pasilip na nagpapadala ng sweet messages ang babae sa kanyang lumang cellphone number, ngunit hindi niya namamalayan na may nakakatanggap na pala nito.

Bukod kay Celine, pagbibidahan din ito ng Indian actress-producer na si Priyanka Chopra Jonas at Scottish actor na si Sam Heughan.

Makakasama rin nila ang ilang artista gaya nina Russell Tovey, Steve Oram, Omid Djalili, Sofia Barclay, Lydia West, at marami pang iba.

May special appearance din ang asawa mismo ni Priyanka na si Nick Jonas.

Wala pang detalye kung kailan ito ipapalabas sa mga lokal na sinehan, pero makikita sa mga comments na excited na ang fans ni Celine.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“CAN’T WAIT TO SEE CELINE IN MOVIE [happy face with hearts emoji].” sey ng isang fan.

Saad ng isa pang netizen, “Waaaah! May movie si Celine Dion! Kailangan mapanood ito [red heart emoji].”

Lahad ng isang nag-comment, “I wanna see this, my idol Celine Dion! [red heart emojis].”

Related chika:

Celine Dion bumilib din sa batang Pinoy na nakakuha ng standing ovation sa ‘AGT’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagpapatotoo ni Cherry Pie nang tamaan ng COVID: Masakit sa katawan, sa ulo, sa lahat…

Dion Ignacio kay Dingdong: Sobrang proud ako dahil ako ang napili na ka-alternate mo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending