Dion Ignacio kay Dingdong: Sobrang proud ako dahil ako ang napili na ka-alternate mo! | Bandera

Dion Ignacio kay Dingdong: Sobrang proud ako dahil ako ang napili na ka-alternate mo!

Ervin Santiago |February 02,2022
facebook
share this

Dion Ignacio kay Dingdong: Sobrang proud ako dahil ako ang napili na ka-alternate mo!

Ervin Santiago - February 02, 2022 - 07:24 AM

Dingdong Dantes at Dion Ignacio

PURO positibong komento ang nabasa namin mula sa BANDERA readers patungkol kay Dion Ignacio na proud ka-double ni Dingdong Dantes sa Kapuso primetime series na “I Can See You: AlterNate.”

Halos lahat ng mga nag-post ng kanilang comments sa isinulat naming balita hinggil nga sa pagiging stand-in actor ni Dion o ka-alternate ni Dingdong na gumaganap ngang kambal sa serye.

Ilan pa nga sa mga netizens ang nanawagan sa GMA 7 na sana’y bigyan nga ng proyekto sina Dion at Dingdong in the future para naman mapanood na nila ang dalawa na magkasama sa TV screen.

Sa kanya namang Instagram account, muling pinasalamatan ni Dion ang Kapuso network at si Dong dahil sa chance na ibinigay sa kanya na maging bahagi ng “AlterNate” kahit pa nga hindi nakita ang mukha niya sa kabuuan ng teleserye.

Nag-post ang Kapuso actor sa Instagram ng litrato nila ni Dingdong na kuha sa isa nilang eksena na may caption na, “Hanggang ngayon hndi pa din ako makapaniwala na makakasama ko ang isa sa mga beterano at premyadong aktor na si kuya dong @dongdantes sa isang obra na talaga namang pinag isipan at pinaggugulan ng panahon, talento at sining. Sobrang proud ako na ako ang napili na ka alternate mo.”

View this post on Instagram

A post shared by Dion Ignacio (@dion_ignacio)


Pag-amin pa niya, “Si kuya dong ang isa sa pinakauna kong inidolo mula ng ako’y nag uumpisa pa lamang sa industriyang ito, at isang karangalan ang makasama siya sa ganitong klaseng proyekto. 

“Gusto kong magpasalamat sayo Kuya Dong sa pag alalay sa akin sa lahat ng bagay, sa lahat ng mga natutunan ko sayo, at paniguradong dadalin ko iyon sa buong panahon ng aking karera. Hangad ko na muli ay makatrabaho ka sa mga susunod na proyekto. 

“Salamat sa lahat ng bumubuo ng I can see you sa aming Direktor, Direk Dominic Zapata, EP at sa lahat ng staff, sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon at tiwala na mgagampanan ko ng matiwasay ang aking pagganap dito,” pahayag pa ni Dion.

Aniya pa sa huling bahagi ng kanyang mensahe, “Isang malaking saludo sa buong cast ng ICSY: Alternate sa matagumpay na pag ere nito. Talaga namang inabangan at kapuri puri ang kagalingan ng lahat. 

“At sa aming mga mahal na tagapanood, maraming salamat po sa init ng pagtanggap sa ICSY. Matutunghayan nyo po ang pagtatapos nito sa huli nitong linggo. 

“Mga Kapuso, sabay sabay po nating panoorin ang kahahantungan ng storya nito.”

https://bandera.inquirer.net/303018/bakit-nagulat-at-napa-wow-si-dingdong-nang-makatrabaho-si-beauty-sa-alternate

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/304463/dion-ignacio-proud-na-ka-double-ni-dingdong-likod-lang-kita-sa-akin-pero-binuhos-ko-lahat-ng-effort-ko-lagpas-100

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending