Celine Dion bumilib din sa batang Pinoy na nakakuha ng standing ovation sa 'AGT' | Bandera

Celine Dion bumilib din sa batang Pinoy na nakakuha ng standing ovation sa ‘AGT’

Ervin Santiago - June 11, 2021 - 09:18 AM

NGAYON pa lang ay star na star na si Peter Rosalita — ang 10-taong-gulang na batang Filipino na nakakuha ng standing ovation mula sa mga judge ng “America’s Got Talent” Season 16.

Trending pa rin ngayon ang video ng bata matapos mag-viral ang kanyang audition performance sa bagong season ng “AGT” na ipinalabas last week sa US at iba pang bahagi ng mundo.

Kinanta niya rito ang hit song ni Celine Dion na “All By Myself” kung saan pinabilib nga niya ang lahat ng mga hurado, kabilang na ang producer na si Simon Cowell. 

Of course, proud na proud din ang mga Pinoy kay Peter dahil talagang binitbit niya ang bandera ng Pilipinas sa nasabing international talent show kahit pa nga sa Abu Dhabi na siya lumaki at nagkaisip.

At hindi lang ang mga kababayan niya sa Pilipinas at Abu Dhabi ang pinabilib ng bagets dahil pati ang team ng Canadian diva na si Celine Dion ay humanga sa kanyang performance sa nasabing American reality talent show. 

Sa pamamagitan ng Twitter, pinuri at binati ng kampo ni Celine si Peter at ni-repost pa ang kanyang viral audition video.

“Bravo! — Team Celine,” ang caption na nakasulat sa official and verified Twitter account ni Celine Dion.

Agad namang nag-reply si Peter sa  tweet ng Team Celine. Aniya, “I got goosebumps!!! Thank you.” 

Samantala, sa isang panayam kay Peter sa Abu Dhabi, naibahagi niya ang ilang detalye sa naging karanasan niya sa audition kung saan nakakuha nga siya ng apat na “yes” mula sa judges.

“I am so happy. I was watching other ‘America’s Got Talent’ contestants on YouTube before and now I’m watching myself,” pahayag ni Peter sa nasabing interview.

Aniya pa, “It was so amazing and overwhelming meeting all the judges. I had only a few minutes with them as there are a lot of other contestants.” 

Mismong ang pamilya ng bata ang nagpadala ng kanyang audition tape sa “America’s Got Talent” dahil bukod sa palagi nga itong nanonood ng “AGT” sa YouTube ay alam nilang may laban talaga ang bagets sa kantahan.

“You need to send your audition video on their online audition site and if you are chosen you will follow their process,” kuwento pa ni Peter. Aniya, nitong nagdaang April kinunan ang audition ngunit kamakailan lamang ipinalabas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Proud Filipino citizen si Peter at ipinanganak at lumaki sa United Arab Emirates kasama ang kanyang tiyahin at guardian na si Mary Jane Villegas (nakasama niya sa audition). Ang kanyang amang si Ruel ay isang chef, habang ang nanay naman niyang si Vilma ay nagtatrabaho bilang cashier.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending