Celine Dion umaasang makakabalik sa stage

Celine Dion umaasang makakabalik sa stage: ‘I remained determined!’

Pauline del Rosario - March 18, 2024 - 10:43 AM

Celine Dion umaasang makakabalik sa stage: 'I remained determined!'

PHOTO: Instagram/@recordingacademy

KAHIT may matinding pinagdadaanan sa kalusugan, patuloy na umaasa ang legendary singer na si Celine Dion na makakatungtong pa rin siya ng entablado.

Magugunita noong December last year nang ma-diagnose si Celine ng isang “rare neurological disorder” na tinatawag na “stiff-person syndrome” na nagdudulot ng paninigas ng mga kalamnan sa katawan, braso at binti.

At bilang pagdiriwang ng SPS Awareness Day, nagbigay ng inspiring message ang batikang mang-aawit sa pamamagitan ng kanyang Instagram page.

“Trying to overcome this autoimmune disorder has been one of the hardest experiences of my life, but I remain determined to one day get back onto the stage and to live as normal of a life as possible,” sey ng pop megastar sa caption.

Baka Bet Mo: Celine Dion bumilib din sa batang Pinoy na nakakuha ng standing ovation sa ‘AGT’

Dagdag ng Grammy-winning singer, “I want to send my encouragement and support to all those around the world that have been affected by SPS. I want you to know you can do it! We can do it!”

Ani pa niya kalakip ang isang litrato na kasama ang tatlo niyang anak, “I am deeply grateful for the love and support from my kids, family, team and all of you!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Céline Dion (@celinedion)

Ayon sa US National Institutes of Health, walang lunas para sa Stiff Person Syndrome, pero makakatulong ang pagpapagamot upang makontrol ang sintomas nito. 

Base rin sa data, dobleng mas marami ang mga tinatamaang kababaihan ng nasabing sakit kaysa sa mga kalalakihan. 

Noong Mayo ng nakaraang taon nang kanselahin ni Celine ang kanyang concert shows na naka-schedule sana sa taong 2023 hanggang 2024.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 Ang huling beses na nakita ang singer sa publiko ay sa Grammy Awards nang magkaroon siya ng surprise appearance at upang ibigay ang “Album of the Year” award kay Taylor Swift. 

Noong Enero nang inanunsyo ng iconic singer na gagawa siya ng documentary tungkol sa kanyang sakit na ipapalabas sa Amazon Prime Video.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending