Hollywood actor Bruce Willis hirap nang makipag-usap dahil sa sakit na dementia | Bandera

Hollywood actor Bruce Willis hirap nang makipag-usap dahil sa sakit na dementia

Pauline del Rosario - February 17, 2023 - 05:21 PM

Hollywood actor Bruce Willis hirap nang makipag-usap dahil sa sakit na dementia

PHOTO: Instagram/@brucewillisbw

MATINDI ang pinagdadaanan ngayon ng sikat na Hollywood actor na si Bruce Willis pagdating sa kanyang kalusugan.

‘Yan ay matapos ang pagreretiro niya sa showbiz and entertainment industry noong Marso ng nakaraang taon.

Inanunsyo ng kanyang pamilya na na-diagnosed siya ng tinatawag na “Frontotemporal dementia (FTD),” isang uri ng dementia na kung saan ay apektado ang bahagi ng utak na may kinalaman sa personalidad, pag-uugali at wika.

“Since we announced Bruce’s diagnosis of aphasia in spring 2022, Bruce’s condition has progressed and we now have a more specific diagnosis: frontotemporal dementia,” saad sa pahayag na inilabas ng pamilya ni Bruce.  

Nabanggit din sa family statement na isa sa mga sintomas na nararanasan ng aktor ay hirap ito sa pakikipag-ugnayan o pakikipag-usap.

“Unfortunately, challenges with communication are just one symptom of the disease Bruce faces,” sabi ng pamilya.

Anila, “Today there are no treatments for the disease, a reality that we hope can change in the years ahead.

Matatandaang noong nakaraang taon ay nagdesisyon nang hindi na gumawa ng pelikula si Bruce dahil hirap na ito magsalita dulot ng sakit na Aphasia.

Nagsimulang sumikat ang Hollywood actor matapos pagbidahan ang TV series na “Moonlighting” na ipinalabas noong dekada otsenta.

Dahil sa galing at talento niya sa pag-arte ay nakapag-uwi na siya ng Golden Globe award at dalawang Emmys.

Related chika:

Bruce Willis magreretiro na sa pag-acting, na-diagnose ng ‘aphasia’

Asawa ni Beauty tinamaan din ng COVID: I didn’t know what to do…I was going out of my mind

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maine siguradong matindi rin ang pag-aalala kay Arjo matapos magpositibo sa COVID-19

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending