Bruce Willis magreretiro na sa pag-acting, na-diagnose ng ‘aphasia’
MAGRERETIRO na si Bruce Willis mula sa pag-acting matapos itong ma-diagnose ng aphasia, isang brain disorder na nakaaapekto sa “cognitive abilities” ng isang tao.
Ibinahagi ni Demi Moore ang anunsyo sa kanyang Instagram account.
“To Bruce’s amazing supporters, as a family we wanted to share that our beloved Bruce has been experiencing some health issues and has recently been diagnosed with aphasia, which is impacting his cognitive abilities,” saad ni Demi.
Aniya, dahil sa kasalukuyang kalagayan ng aktor ay nagdesisyon na itong talikuran ang kanyang career na sobra nitong pinahahalagahan.
“As a result of this and with much consideration Bruce is stepping away from the career that has meant so much to him.
“This is a really challenging time for our family and we are so appreciative of your continued love, compassion and support,” pagpapatuloy ni Demi.
Sey pa niya, “We are moving through this as a strong family unit, and wanted to bring his fans in because we know how much he means to you, as you do to him.
“As Bruce always says, ‘Live it up’ and together we plan to do just that.”
Sa dulo ng kanyang IG post ay makikita ang pangalan nila kasama ang pangalan nina Emma Heming Willis, asawa ng aktor at ang dalawang anak nilang sina Mabel at Evelyn.
View this post on Instagram
Si Demi ay ang dating asawa ng aktor ngunit nauwi ang kanilang pagpapakasal sa paghihiwilay dahil taliwas ang kanilang paniniwala sa pagpapamilya.
Sa kabila nito ay nanatiling maganda ang relasyon nina Bruce at Demi na biniyayaan ng tatlong anak na sina Rumer, Scout, at Tallulah.
Samantala, nakilala naman ang aktor sa naging pag-ganap nito sa “Die Hard” movie series mula 1988 hanggang 2013.
Bukod rito, pinagbidahan rin ni Bruce Willis ang mga pelikulang “Pulp Fiction” (1994), “The Sixth Sense” (1999) at “Moonrise Kingdom” (2012).
Other stories:
Sherilyn Reyes nakikipaglaban sa sakit na ‘shingles’: I wish to never experience this again
Kris may sakit na binabatikos pa, Robin nakiusap sa bashers: Maging makatao po muna kayo…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.