Kris may sakit na binabatikos pa, Robin nakiusap sa bashers: Maging makatao po muna kayo... Bandera

Kris may sakit na binabatikos pa, Robin nakiusap sa bashers: Maging makatao po muna kayo…

Ervin Santiago |January 14,2022
share this

Kris may sakit na binabatikos pa, Robin nakiusap sa bashers: Maging makatao po muna kayo…

Ervin Santiago January 14, 2022 - 10:13 AM

Robin Padilla at Kris Aquino

NAKIUSAP na ang action star na si Robin Padilla sa ilang Filipino na tigilan na ang pambabatikos kay Kris Aquino na nakikipaglaban ngayon sa iba’t ibang uri ng sakit.

Nababasa kasi ng aktor ang mga pangnenega at pang-aalipusta ng mga bashers sa TV host-actress sa kabila ng health condition nito ngayon.

Isang open letter ang ipinost ni Binoe sa kanyang Facebook page para manawagan na huwag nang banatan at pagsalitaan ng masasama at masasakit ang kanyang kaibigan. 

“Bismillah…

“Mga mahal kong kababayan, ako po ay nag aalala kay ms Kris Aquino bilang isang kaibigan, katrabaho at isang Pilipino.

“Nais ko po makiusap sa mga patuloy na bumabanat kay ms Aquino na magpaka makatao muna po kayo.

“Hindi naman po tayo bulag para makita na May dinaramdam po siya at sa kasalukuyan ay dumaraan sa gamotan. 

“Bigyan po natin ng kapayapaan at tamang pansin lalo ng moral support ang Taong May karamdaman. 

“Ano man po ang ating religion o ang ating political affiliations ay ipagpanalangin po natin ang kanyang kalusugan. 

“In shaa Allah,” ang kabuuang mensahe ni Robin para sa madlang pipol.


Narito naman ang ilan sa mga nabasa naming comments ng mga followers ni Binoe sa Facebook.

“I totally agree sir Robin Padilla I also prayed for ma’am Kris Aquino the other day too. Despite me being bashed by many for doing so, I will stick to my principles.

“I believe in humanity and kindness to our fellow human beings. Whatever political arguments or storms may come our way, we are all human and God is our judge not man. Thank you for your beliefs sir and standing true to them. God bless you.”

“May Kris get better soon. She needs to be there for her children and family too.”

“Dyos ko miyo marimar manahimik nlng kc sya muna pra wla lumabas na apoy!! Mrami nagkakasakit nkahiga sa lupa at least sya nkahiga sa kamaA, alam na ganito ang sitwasyon manahimik kc sy muna labas nlng sya sa medya pag mgaling na hayyy nku dis agree ako sayo ewan! Robin Padilla.”

“Get well soon po Ms Kris, iwasan mo muna ang social media para hindi ka ma stress. Focus on medical matters and family. You need to directly talk to Lord for what you are facing now. Peace in inner part of your mind and let the Lord heal you. God bless and be safe.”

“Ang tanong ko jan, Bakit kailangan niya pang ipaalam sa mga tao na may sakit siya. Para ano?”

“Di pala nakaka galing Ang mga channel , rolex at LV ang more branded.”

“Get well soon at sana sa pag galing mo magiging mabuting tao kana. Wag mamulitika para sa sariling ambisyon. Kundi para sa bawat mamayang pilipino na nag hihirap.”

May nagsabi pang karma raw ni Kris ang pagkakasakit niya kaya isang tagasuporta ng TV host ang sumagot dito, “Bat mo nasasabing karma? May nagawa po ba siya sa inyong di maganda?”

Payo ni Robin kay Kylie: Sabi ko sa kanya ‘pag-Muslimin mo na lang si Aljur…’

Robin inalala ang buhay-preso sa vlog ni Kylie: Yun yung best days namin ng mama mo, yung nakakulong ako

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending