Maine siguradong matindi rin ang pag-aalala kay Arjo matapos magpositibo sa COVID-19 | Bandera

Maine siguradong matindi rin ang pag-aalala kay Arjo matapos magpositibo sa COVID-19

Reggee Bonoan |August 18,2021
facebook
share this

Maine siguradong matindi rin ang pag-aalala kay Arjo matapos magpositibo sa COVID-19

Reggee Bonoan - August 18, 2021 - 05:14 PM

Maine Mendoza at Arjo Atayde

SA pinagdaraanan ngayon ng kanyang boyfriend na si Arjo Atayde ay nakasisiguro kaming matindi rin ang pag-aalala sa kanya ni Maine Mendoza tulad ng pamilya ng aktor.

Lalo pa’t nag-viral na nga sa social media ang video interview ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong tungkol sa pagkakaroon ng COVID-19 ng binata habang nagsu-shooting ng kanilang pelikula.

Pero sure rin kami na bago pa pumutok ang balitang may COVID-19 ang aktor ay alam na ito ni Maine dahil madalas naman silang nagkakausap ng kanyang boyfriend.

Tsinek namin kung may post si Maine tungkol kay Arjo sa kanyang social media accounts pero wala kaming nakita.

Anyway magkasama sina Maine at Vhong Navarro bilang bagong tandem sa pagsayaw para sa jingle na “Todo na ang Sulit” commercial ng SatLite.

Mula nang nagbukas noong Agosto 2 ang BuKo, ang bagong 24/7 local comedy channel ng Cignal TV, nagsimula rin ang daily lifestyle show na #MaineGoals kung saan tampok ang mga travel and life goals ni Maine na may kasamang kulitan at katatawanan. 

Sa unang episode, sinamahan ni Maine ang mga manonood papunta sa Mt. Kulis sa Rizal, sa kanyang vlog-style feature ng kanyang adventure papunta sa tuktok ng bundok.

Mapapanood ang mga latest episodes ng #MaineGoals sa BuKo sa SatLite Channel 2.

Bilang budget prepaid Pay TV service, ang SatLite ay may mga produktong tunay na abot-kaya.
Matutunghayan dito ang up to 55 channels kung saan mapapanood ang iba’t ibang pelikula, local at international sports, kiddie shows, at marami pang iba.

* * *

Waging-wagi sa kilig ang fans na naghintay sa “Love Beneath the Stars” nina Adrian Lindayag at Keann Johnson kaya naman inabangan nila ang premiere nito sa iWantTFC at mainit na pinag-usapan sa social media.

Trending sa Twitter Philippines ang unang episode ng serye kung saan napanood ang lumalalim na pag-iibigan nina Luke (Keann) at Dominic (Adrian) at lambingan sa isa’t isa. Ipinakilala rin ang karakter ni Gio (Vaughn Piczon), ang kababata ni Dominic na maaaring maging sagabal sa relasyon ng dalawa.

Dumagsa rin ang mga positibong komento sa social media tungkol sa mga nakakakilig na eksena sa serye, na nagsisilbing kadugtong ng pelikulang “The Boy Foretold by the Stars.”

“Gusto ko itong magdedesisyon talaga silang dalawa na magkasama at harapin ang lahat ng darating nang magkahawak ang kamay. Ang ganda ng pakiramdam na may solid support as you figure things out. Ang ganda ng ganyang klaseng assurance,” sabi ng Twitter user na si @ppatpranss.

Ayon naman kay @thesuperkayow, “Love Beneath the Stars episode 1 – Hindi ko in-expect na magiging ganito kaganda? Ang ganda ng dialogue, at gusto ko kung gaano ka-chill at hindi trying hard na magpatong-patong ang lahat ng problema nila nang sabay-sabay. Just a little bit of hints and there. The acting? AMAZING.”

“Iniisip ko pa ano ang mararamdam pero ang gandang pilot episode… Lahat ang husay ng pagkakalatag at ang magic at charm ng movie nadala pa rin sa episode na ito (at siguro ang buong series na rin),” komento ni @loverjuyo.

Para naman kay @GraceBangalan, “Grabe yung ‘subtle kilig moments’! Those hands, smiles, and stares really made me smile throughout the ep. And ‘di lang to w/ Luke but kay Gio… ‘Yung theme and scenes grabe.”

Sa susunod na episode, pagseselosan ni Luke ang pagiging close sa isa’t isa nina Dominic at Gio habang sila ay nasa isang school retreat. Lalo pang masusubukan ang relasyon ng dalawa dahil kokomprontahin si Dominic ng ex-girlfriend ni Luke na si Karen (Rissey Reyes).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ipalalabas ang mga susunod na episode ng “Love Beneath the Stars” kada Lunes, 8 p.m. sa iWantTFC app. Libre itong napapanood sa Pilipinas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending